Pagkalabas namin sa kotse. Nakita kong nasa labas si Zart naghihintay. Pagkakita niya sa'min ay agad siyang yumukod. Nang siya ay tumayo nang tuwid. Napansin ko ang simpleng pagtango ni Zart kay Frivo. Kasalukuyan ng siyang papasok sa loob ng mansion."Good to see you again, Mrs. Warner." bati niya sa'kin.
Tinaasan ko siya ng kilay sa binigay niya sa'king pangalan.
"Once again, there is no need to address me in that way. We were both aware that we were not into this marriage." Tiningnan ko siya. "I am not his real wife." Tinapik ko siya balikat saka pumasok na rin ako.
Sooner or later, aalis din ako sa lugar na ito. Someone will replace me as his real wife. A wife who is good for him. Also, m can be his type.
Deretso akyat agad ako ng hagdan at tinungo ang aking kuwarto. Pagkasara ko ng pinto, sumandal ako rito. Tumingin ako sa buong paligid. Pangatlong beses kong matulog dito pero nanatili pa rin na parang first day ko pa rin dito.
"What a nice place." Mapakla akong ngumiti.
Ipinikig ko ang aking ulo. Umalis ako sa pagkasandal. Mabibigat na hakbang ang ginawa ko patungong kama. Pabagsak akong humiga. Napatitig ako sa ceiling.
I'm bored!
Wala naman akong gagawin dito. Ito ang dahilan kung bakit ayoko rito. Mamatay ako rito sa boring. Wala man lang din makausap dito. Tanging si Frivo at si Zart lang ang nakikita ko. Minsan ko pa sila makita kahit narito naman sila.
Tumayo ako sa kama. Kumuha ng damit pambahay saka pumasok sa banyo. Bigla akong napasulyap sa salamin. Nakita ko ang nakabendang sugat ko. Hinawakan ko ito. Marahan kong tinanggal ang pagkakadikit nito. Nang matanggal ko na ito. Kitang-kita na sariwa pa at hindi pa magaling. Kita pa ang tahi nito at sensitive pa. Tinapon ko ang tinanggal ko at hindi na nag-abala pang palitan.
Laptop ang kinuha ko pagkalabas ko sa banyo. Umupo ako sa kama. Nag-indian sit ako saka pinatong sa hita ko ang laptop. Binuksan ko ang laptop at nagtipa. Agad kong pinuntahan ang dapat kong puntahan at sinimulan ang gagawin ko.
Pagkalipas ng thirty minutes. Nakaramdam ako ng pagka-uhaw. Binasa at chineck ko muna ang ginawa ko bago ko ito sinave at nilagay sa safety documents. In-off ko ang laptop saka pinatong lang sa kama.
Tumayo ako at daling lumabas. Pagkababa ko, nakita ko sina Frivo at Zart sa living room. Mukhang mayr'on silang pinag-uusapan na serious matter. Hindi na bago, lagi naman silang nag-uusap ng ganiyan. Hindi ko sila pinansin. Pumunta agad ako ng kusina. Kumuha ako ng baso, nilagyan ng tubig saka uminom.
Inilapag ko ang baso. Nagtingin-tingin ako nang puwedeng makain or mainom na dadalhin ko sa pagbalik ko sa kuwarto.
"Oh! Found it." nakangiting ani ko.
Kumuha ako ng cup saka nilagyan ito ng fresh milk. Pagkatapos, ininit ko ito sa microwave oven ng ilang minuto. Bago ako umalis, tiniyak ko na munang malinis ang paligid. I grab the cup and left.
Pagsulyap ko sa living room. Naroon pa rin ang dalawa. Gusto ko silang lapitan, but who I am to disturb them?
Kumibit-balikat na lang ako saka humarap sa hagdan. Pagtapak ko sa unang step ng hagdan, narinig kong mayr'ong tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa tumawag sa'kin. Nakita kong tumayo si Frivo saka lumakad patungo sa'kin. Lumayo ako sa hagdan at hinintay ang paglapit ni Frivo.
"What?" taas kilay kong tanong.
Hindi niya ako pinansin. Nagtaka ako dahil hindi sa mukha ko siya nakatingin. Nagulat ako ng inangat niya ang damit ko.
"What the!" gulat ko.
"You remove the cover from your wound?" he said while observing my wound.
Napahawak ako sa kamay niya. "I did?" takang tanong ko. "Why?" I added.
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
RomanceGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...