Chapter 11

199 9 0
                                    


"Why didn't you avoid the knife and let yourself be stabbed?" Ang mga katagang 'yan ang una kong narinig pagkamulat pa lang ng mga mata ko.

Kasalukuyan din akong nakikinig ng sermon ni Jackross which is bago sa aking pandinig. Hindi ko alam kung sino ang sumapi sa kaniya ngayong araw. At hindi ko rin alam kung ano ang pinuputok ng butsi niya.

"Why did you eat the food to which you have allergies?" he asked.

Humugot ako nang malalim na hininga.

"Para sa kaalaman mo, hindi ko iyon kinain. Dahil sa binadtrip mo ako. Hindi ko napansin na ang nakain ko pala ay 'yong hipon. Huli na para mabawi ko pa." mahinahong pagpapaliwanag ko.

Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa kaniya? Teka nga! Ano bang problema niya talaga?

Mabuti na lang pagkagising ko ay wala na ang mapupulang pantal sa katawan ko. Bumalik sa dati ang kulay ng balat ko. Maging ang paghinga ko ay ganoon din. Mamamatay talaga ako sa allergies lang. Kapag umaatake kasi daig pa ang hinihigop kaluluwa ko. Mabilis din akong lalagutan ng hininga dahil paninikip ng dibdib ang unang symptoms.

"Stop pestering your wife, son. Reminder, kagigising niya lang." sulpot ng nanay niya.

Napangiti ako bigla. Parang nabuhayan ako pagkarating niya. Finally! Magiging tahimik na ang tainga ko. Kanina pa ako nakikinig sa sermon ni Frivo.

"Tsk!" tanging naitugon niya, nakita kong paalis na siya.

"Hey, Frivo! Can you ask the doctor if I can be discharged today? I don't want to stay here any longer." ani ko, pero hindi ko alam kung narinig niya. Nakalabas na kasi siya hindi man lang huminto.

Pabagsak na sumandal ulit ako habang nakabusangot ang mukha. Ayoko na kasing manatili pa rito. Mas gusgustuhin ko pang magising sa loob ng kulungan kaysa rito sa hospital.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng kasama ko.

"You know what? I am amazed that you can call him by his second name." wika niya,

Ibinigay niya sa'kin ang isang maliit na bowl na mayr'ong laman na sopas.

"He hates it." she continued.

"Why?" takang tanong ko.

Kumibit-balikat siya. "I don't know. Dumating na lang ang isang araw na ayaw na niyang tinatawag siya sa pangalang Frivo." she answered.

Bakit parang mayr'ong malalim na reason kung bakit ayaw na tawagin ang anak niya sa pangalan nito? Hindi lang niya ito sinasabi. Pansin din iyon sa mga mata niya. Mga matang umiiwas na tumingin sa aking ng tuwid.

"Siguro dahil tinatawag siya sa ganoon ng first love niya." simpleng panghuhula ko.

Hinawakan ko ang kutsara saka nagsimulang kumain. Kumakalam na rin kasi ang tiyan ko sa gutom. Lihim na sinulyapan ko siya. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi. Tama ba ang hula ko?

"I called him Frivo because I wanted to tease and piss him off. Mayr'ong mga tao kasi na ayaw silang tawagin sa second name nila, so I'm guessing na ganoon din siya." simpleng paliwanag ko.

Napa-isip ako, nang tinawag ko siya sa ganoong pangalan. Wala akong nakitang reaction niya. Hindi nga siya nag-react, e. Hindi niya rin ako sinaway kaya pinagpatuloy ko ang pagtawag sa kaniya ng ganoon. Isa pa, nasanay na rin naman ako.

Bakit ko nga ba siya tinatawag sa ganoon? I don't why pero iyon ang gustong itawag ng utak ko sa kaniya. Iyon din ang lumabas sa bibig ko ng unang beses ko siyang tinawag sa pangalan niya. It's supposed to be Jackross, but Frivo came out first in my mouth.

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon