Pagkalabas ko sa art museum. Nagtatakang muling humarap ako rito. Mukhang naiwan sa loob nito ang kaluluwa at utak ko.Sandali? Ano bang nangyayari?
Narinig ko lang ang story no'ng Ivo ay tila nawala ako sa katinuan.
Inocuppied ng story niya ang buong utak ko. Bakit nga ba?
Ewan ko para kasing tumagos sa'kin ang story niya, e.
Napadako ang tingin ko sa hawak kong painting. Ibinigay sa'kin ni Professor 'yong portrait ko na gawa ni Ivo. Nagustuhan ko raw kasi at saka nangako siya na kung ano ang magustuhan ko ay ibibigay niya sa'kin.
Hindi ko naman siya totally nagustuhan. Namangha lang ako sa husay ng pagkagawa. Iyon lang, hindi ko naman sinabing gusto ko siyang kunin. Kinuha ko na lang din. Mapilit siya, e.
Muli kong tinalikuran ang art museum. Pinagsawalang bahala ko na lang kung ano mang story ang narinig ko. Umalis na ako roon pero habang naglalakad ako patuloy pa ring nag-iisip ang utak ko about sa love story ni Ivo.
Ano bang paki ko sa love story nila?
Aish! Kung titingnan kasi nakalulungkot naman kasi talaga, but at the same time, ang complicated.
Kasi kung 'yong Ivo ay kasal na sa fiancee niya, s'yempre magkasama na sila sa iisang bahay. Tapos what if, buhay at bumalik nga si first love. Then, magiging kaawa-awa si present girl. Obviously, mas pipiliin ni Ivo iyong first love niya.
Parang ang sakit naman no'n sa part ni present girl. Ano nga naman bang laban ni girl kay first love, 'di ba?
Bigla akong nahinto sa paglalakad. Pero teka? Kung na-portrait ako no'ng Ivo, meaning naroon din siya at studyante siya ni Professor. Narito ang Ivo na 'yon, question is, sino sa mga studyante ni Professor ang nagmamay-ari ng penname na Ivo?
"Aish!" Nagulo ko ang nanahimik kong bangs sa frustration.
Ipinilig ko ang ulo ko to erase those stories na nilagay sa utak ko ni Professor. Bakit ba nangingi-alam ako? Buhay nila 'yon, labas na ako roon.
Sa parking lot ako dumeritso wala akong balak pang pumasok sa klase. Inilagay ko sa back seat ang dala kong portrait. Pagkatapos sa driver seat naman ako pumasok. Pinaandar ko ang kotse at gomora na ako pauwi.
***********
Pagka-park ko ng kotse sa garahe. Kinuha ko muli sa backseat ang painting. Sumulyap ako sa wristwatch ko. I think masiyado pang maaga para umuwi si Frivo. Ako na naman ang tao rito. Mag-isa na naman ako. Pumasok ako sa loob ng nakangiti at naghu-humming.
Natigil ang paghu-humming ko ng mayr'on akong nakitang tao sa living roon. Nakaupo siya sa couch. Narito na agad si Frivo? Wait? Si Frivo nga ba 'yan?
Marahan akong humakbang at sumilip nang makita ko kung sino. Confirmed! Si Frivo nga. Kumibit-balikat na lang ako. Walang ingay na pinagpatuloy ko ang aking paglakad hanggang sa mabilis akong umakyat ng hindi lumilingon at tumingin sa ibaba.
Sinara ko kaagad ang pinto, ni-locked ko pa. Agad akong tumingin sa paligid. Naghahanap ng mapagsasabitan. Napangiti ako dahil nakakita na ako. Marahan na sinabit ko ito sa wall.
"There you are." sambit ko,
Umupo ako sa bed at tiningnan muli ang painting. Nasa tapat siya ng higaan ko kaya pagkabangon pa lang ay ito agad ang makikita ko. Pero hindi naman siya nakakasawang tingnan. Namamangha ako sa ganda nito. Hindi ako makapaniwala na ako 'yan. Tumayo ako saka kumuha ng damit pambahay.
Pagkalabas at pagkatapos kong magbihis sa banyo. Kinuha ko ang laptop ko. Binuksan ito at pinagpatuloy ang nasimulan kung gawain.
Maya lang ay narinig kong mayr'ong kumakatok sa pintuan. Inalis at pinatay ko muna ang laptop bago ako dali-daling lumapit sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa'kin si Frivo.
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
RomanceGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...