Chapter 26

182 9 0
                                    


"Death," sagot ko.

"What?" gulat at kunot noo niyang tanong.

"See! Hindi mo kayang ibigay ang tanging gusto ko. Huwag ka ng nagsayang ng oras at panahon." bagot at simpleng wika ko.

Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad ulit pero nagulat ako ng bigla mayr'ong humigit sa kamay ko. Mabilis na napalingon ako sa kaniya.

"Why?" he asked seriously.

Binawi ko ang kamay ko sa kaniya dahilan para matanggal ang pagkabalot ng tela sa pulsuhan ko.

Binigyan ko siya nang matalim na tingin saka pinulot ang tela. Ibabalot ko sana muli ang tela sa tinatago ko pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at tinitigan ang heart shape na patuloy pa ring nag-glo-glow.

"How? Paano ka nagkaroon nito?" walang tigil niyang tanong.

"Bitawan mo nga ang kamay ko!" inis na ani ko at pilit na binabawi ang kamay ko.

"Answer me! Since when ka pa meron nito?" pagtukoy niya pa rin dito.

"Hindi ko alam. Hindi ko maalala. Basta simula bata pa lang ako ay mayr'on na ako niyan." sagot ko.

When I open my eyes and every time I stay in the dark, lalabas ito. That is why I always hide it, because it caught some attention. 

"Bakit ba?" Nilagyan ko nang lakas ang pagbawi ko sa kamay ko. Nagtagumpay naman ako.

Agad ko itong binalot muli ng tela. Inis akong naglakad palayo sa kaniya. Kainis! Bakit sa lahat ng taong makakikita ng heart shape na nasa pulsuhan ko ay siya pa? Hindi ko nga ito pinaaalam sa kahit na kanino.

Sa bilis kong maglakad, kaagad akong nakabalik sa base namin. Hindi ko na rin siya naramdaman pa. Huminto ako sa kalagitnaan. Marahan akong tumingin sa kamay ko.

One that I hate the most ay tinatanong kung sino ako dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam ang isasagot ko.

Maging tungkol sa heart shape na 'to. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay nito sa'kin. Hindi ko siya masabing birthmark dahil hindi talaga siya birthmark, e.

Tinago ko na lang ulit ito. Patakbo kong tinahak ang tent namin. Binuksan ito saka patakbong pumunta ng higaan. Agad kong binalot ang sarili ko ng kumot. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sumisikip na naman ito.

Darn it!

Bakit ba lagi ito ang nararamdaman ko? Wala naman akong sakit sa puso. Umalis ako sa pagkatalukbong sa kumot. Talagang sumisikip siya.

"Damn it!" marahan kong bigkas.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Hindi ako makahinga nang maayos.

Palala siya ng palala. Napakapit ako sa bedsheet nang sobrang higpit. Tumingin ako sa paligid ko. Naghahanap ako nang matalim na bagay.

"Argh! S-Shete!" daing ko.

Napalingon ako sa bag ko. Mayr'on akong nilagay doon na maliit na kutsilyo. Siniksik ko iyon sa loob. Pilit ako bumangon. Hinayaan kong mahulog ako. Gumapang ako hanggang sa mahawakan ko ang bag ko. Naghihina ko itong binuksan.

Buong lakas kong kinuha ang maliit na kutsilyo sa bag ko. Nanginginig na itinapat ko ito sa palad ko. Mariin akong pumikit. Pinigilan kong huwag mapasigaw pagkatapos kong sugatan ang palad ko.

Naramdaman kong agad na umagos ang dugo mula rito. Marahang bumaba ang talukap ng aking mga mata hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Ang tangi at huling narinig ko ay ang taong tumawag sa'kin.

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon