Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang mabibilis at maraming yabag. Tumingin ako sa labas. Nakita ko ang ilang mga police officers na nagmamadaling pumasok sa loob."Tumawag kayo ng ambulansiya." malakas na ani ng isang pulis.
Maging ang kasamahan ko sa selda ay nagtataka rin. Lahat sila ay tumayo at nakiusisa sa mga nangyayari. Tumayo at lumapit na rin ako. Hindi lang mga yabag kasi ang namayani. Binuhay nila ang kanilang emergency alarm. Lumapit ako sa bakal na rehas. Nakita ko ang mga nagtatakbuhang mga pulis.
"Sir! Anong nangyayari?" wika ng isang kasamahan ko.
Huminto naman ang pulis na nakarinig.
"Hindi ni'yo kailangan na mag-alala. Nagkaroon lamang ng problema." tugon naman nito.
Sumandal ako sa rehas habang kalmadong nanonood sa labas. Napadako ang tingin ko sa bandang pintuan. Nandito na ang ambulansiya. Hindi nagtagal ay pumasok ang medic dala ang stretcher.
Maya lang ay lumabas ang mga ito sakay ang bangkay. Nakatakip na ng tela ang tatlong taong nilabas nila. Nangangahulugang patay na ang mga ito. Ganoon din ang pang-apat at panghuling nilabas.
"Ano 'yon? Bakit mayr'ong patay sa loob?" mahinang tanong ng kasamahan kong kulot ang buhok na mukhang adik.
"Ewan, nagpatayan na siguro sila." segunda naman ng isa na mahaba ang buhok.
"Wala siguro silang maginawa sa loob ng selda." ani naman ng pangatlong kasamahan ko. Bumalik siya sa tabi saka umupo roon.
Ganoon din ang ginawa ng dalawa. Muli akong bumaling sa mga abalang tao sa labas. Wala talagang ligtas na lugar sa mundo. Kahit sa kulungan ay nagpapatayan din. Naiiling na bumalik din ako sa tabi. Umupo na lamang ako at hinintay na lumipas ang gabi. Ang tagal naman ng magpapalaya sa'kin. Nagkakagulo na rito sa loob. Wala pa rin siya.
Lumipas ang maraming oras bago natahimik ang lahat. Nag-roll call at check ang bawat pulis sa bawat selda. Hinahanap nila ang kriminal na pumatay. Ayon sa isang pulis na nag-check sa'min. Tatlong sendikato ang namatay at ang isa ay ang kanilang hepe. Bakit sila maghahanap dito kung lahat ng nakakulong dito ay mga criminal? Malamang lahat ng mga narito ay maaaring suspect. Narito ba naman ang ilang taong kayang pumatay.
Naging mahigpit ang kanilang pagbabantay. Bawat selda ay mayr'on ng bantay. Mahigpit na niyakap ko ang aking tuhod. Ipinatong ko ang aking ulo rito saka ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nahanap nila hinahanap nilang suspect.
Nagulat ako at napamulat ng mayroong humampas sa rehas. "Polarez, makalalaya ka na." ani niya.
Marahan akong nag-angat ng ulo. Nakita kong sinususian na niya ang kandado para bumukas. Tumayo na ako at humakbang patungo roon. Binuksan niya ang pintong rehas. Pagkalabas ko ay tinanggal niya ang posas na nakakabit pa rin sa'kin.
"Tsk! Kay suwerte mo. Maraming gustong magpyansa sa'yo. Magbago ka na pagkaalis mo rito. Hindi nababagay sa loob ng selda ang magandang kagaya mo." komento niya habang tinatanggal ang posas.
Marahan na hinilot ko ang pulsuhan ko. Magdamag ko ba namang suot ang posas. Hindi man lang inalis. Tahimik na sumunod ako sa pulis palabas.
"Pumirma ka muna rito." utos niya saka binigay sa'kin ang log book nila.
Kinuha ko naman ito saka pinirmahan ang dapat kong pirmahan.
"Puwede ka ng umalis." wika niya pagkakuha niya sa'kin ng log book.
"Next time, pakilagyan ng mosquito killer ang loob ng selda ni'yo. Malamok, e." reklamo ko.
Natawa siya sa sinabi ko. Kumibit-balikat na lamang ako. Tuluyan kong nilisan ang loob ng police station. Pagkalabas ko, napapikit ako sa fresh air na nalalanghap ko.
BINABASA MO ANG
Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)
RomanceGacianna is well-known as a drunkard and rebellious woman. You can count on her showing up whenever there are gatherings and celebrations. The freedom she was previously experiencing abruptly vanished when she met Jackross, whom she referred to as "...