Chapter 16

172 8 0
                                    

Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko si Frivo. At tiningnan ko ang kabuo-an niyang ayos. Nag-jogging din ba siya? Ay, oo nga pala. Gawain nga pala niya ang mag-jogging every morning.

"Morning," masiglang bati ko.

Tumango lang siya sa'kin. Nilagpasan niya ako pagkatapos niyang kumuha ng Gatorade sa refrigerator. Naiiling na kumuha rin ako ng maiinom. Biglang mayr'ong sumagi sa isip ko kaya dali akong lumabas at hinabol siya. Patakbo akong umakyat ng hagdan. Napangiti ako dahil naabutan ko pa siya. Nagmadali pa ako para mapantayan siya. Two steps ahead sa kaniya ang ginawa ko.

"Paalala ko lang and don't ever forget, ngayong araw ang unang araw natin sa ating deal." abot langit na ngiti kong paalala sa kaniya.

Kinawayan ko siya at saka pinagpatuloy ang pag-akyat ko. Nang marating ko ang dulo, muli akong huminto at hinintay si Frivo. Limang hakbang na lang ang natitira nang huminto si Frivo at tumingin sa'kin.

"Nais ko ring ipaalala sa'yo na kung sino ang  unang lalabag sa rules ay siyang talo. Kung ikaw ang unang lalabag, hindi ko pipirmahan ang annulment paper, at kung ako ang lalabag, gagawin ko ang gusto mo ng tahimik at walang reklamo. So you better do your job and participate well." pilya kong sabi.

Pagkatapos kong masabi ang dapat kong ipaalala. Tumungo na ako sa aking kuwarto para makapag-ayos na ako at makapasok na.

Nakangiting kumuha ako ng uniform, dumeritso na ako sa banyo. Mabilis din akong nakapag-ayos. Hindi naman ako nagtagal sa banyo. Pagkalabas ko, napadako ang tingin ko sa terrace. Tinungo ko ito.

It's another new day for me. Pero simula ngayon hindi na ordinary day ang bawat lilipas na araw. Sa bawat araw na lilipas ay mahalaga. Hindi dapat masayang ang oras na daraan. Marahang ipinatong ko sa railings ang aking siko. Isang malawak na ngiti ang ginawa ko para maging positive lahat ang pumasok sa araw na ito, at maging sa susunod pang mga araw.

"Are you just going to stand there? We are going to be late." Isang masungit na tao ang siyang umabala sa pagmumuni-muni ko.

Napadako sa kaniya ang tingin ko. Nakita ko si Frivo na nakasandal sa side ng sliding glass door habang naka-cross arms siya. Mataman siyang nakatitig sa'kin tila hindi niya gusto ang ginagawa ko.

Nakangiting lumapit ako sa kaniya at nag-peace sign pa ako sa kaniya.

"Sorry," paghingi ko ng paumanhin sabay mabilis na pumuslit sa loob.

Kinuha ko kaagad ang bag ko saka walang lingon na lumabas ng kuwarto. Lihim na sumisilip ako sa likuran ko. Ramdam ko kasing nakasunod siya. Binalewala ko na lang siya total hindi naman siya nagsasalita.

Narating namin ang garage area. Sabay na lumapit kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan. Bago ako sumakay sa kotse ko ay tiningnan ko muna siya. Narinig kong pinaandar niya na ang kotse niya. Nagkibit-balikat na lang ako. Nasa good mood ako ngayong araw. Ayokong sirain ito. Binuksan ko na rin ang pinto saka sumakay. Agad ko ring binuhay ang engine saka sinimulan ng gomora.

Tumingin ako sa side mirror. Nasa likuran ko ang sasakyan ni Frivo. Hinayaan ko na lang siya. Tumingin ako sa wristwatch ko. Katamtamang patakbo lang ang ginawa ko. Maaga pa kaya huwag tayong magmadali. Isa pa gusto ko ring asarin si Frivo dahil hanggang ngayon nakasunod pa rin siya.

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi niya kahapon. Mapakla akong ngumiti. Mukhang totohanin niya ang mga katagang 'yon, at mukhang nagsisimula na siya. Gaano niya ba kamahal ang taong hinihintay niya? Ang suwerte naman niya, lahat gagawin ni Frivo para sa kaniya. Buo rin ang pasya niyang ma-annul agad ang kasal namin.

Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa babaeng hinihintay niya, pero bakit ba kailangan kong humingi ng tawad kung ang kasal namin ay hindi namin parehong hinangad?

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon