Chapter 2

339 10 0
                                    


"Ma'am, narito na po tayo." Naalimpungatan ako sa taong gumigising sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa labas.

"Narito na po tayo." Rinig kong ulit ni kuya driver. 

Tumango ako bilang tugon saka kumuha ng five hundred sa wallet ko. Inabot ko ito sa kaniya.

"Naku ma'am, pasens'ya na po pero wala po kasi akong panukli r'yan. Kalalabas ko pa lang din kasi, e." magalang na hingi niya ng paumanhin.

Napangiti ako sa kaniya. Kinuha ko ang kamay niya saka nilagay sa palad niya ang pera. "Keep the change na po, Kuya." ani ko sabay bukas ng pinto at labas sa sasakyan.

I think deserve ni kuya driver ang sukli. Kinuha ko ang mga gamit ko. Nagulat ako ng tinulungan ako ni Kuya.

"Pasens'ya na, hanggang dito na lang kita maihahatid. Mukhang private village kasi itong lugar." Dumako ako sa likuran ko. Isang mataas na gate ang nakita ko.

Private village?

Mukha ba 'tong village?

"Okay lang po, salamat po sa ligtas na pagdala mo sa'kin dito." pagpapasalamat ko.

Pagkatapos kong mailabas ang gamit ko. Nagpaalam at umalis na rin si kuya kaya ako na lang ang natira. Nawala ang ngiti ko nang dumako muli ako ng tingin sa malaking gate.

Ano kayang tadhana mayr'on ako sa loob ng lugar na iyan? Bakit dito ako pinapupunta? At anong mayr'on sa lugar na ito?

Iwinaksi ko ang ulo ko para alisin at itaboy ang mga thoughts na nabubuo sa isip ko. Humugot ako nang malalim na hininga upang kumuha nang lakas.

"It's now or never! Go for it, Gacianna!" pang-che-cheer ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang bag at mga maleta ko saka lumapit sa gate. Luminga-linga  ako sa loob nagbabakasakali na katulad din ito sa napapanood ko na mayr'ong guard ang loob sa loob pero wala akong nakikitang tao. Nakita ng mga mata ko ang doorbell na kaagad ko namang nilapitan. Naka-ilang ulit akong doorbell pero walang nangyayari.

"Mayr'on bang tao rito? Baka maling lugar ang napuntahan ko?" wika ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang pirasong papel na nilagay ko sa wallet ko. Tiningnan ko ulit ang nakasaad na direksiyon. Muli akong tumingin sa paligid. Sinuri ang bawat makita ko. Tama naman ako ng hinintuang lugar. Naputol ang pag-iisip ko nang mayr'ong akong marinig na tunog mula sa aking likuran. Kaagad akong lumingon dito, nakita ko ang pagbukas nito.

Unti-unting bumubukas ito ng mag-isa. Pumasok ako nang marahan sa loob. Sa pagpasok ko, kusa ring sumara ang gate. Namangha at napanganga ako sa ganda na tanawin na nakikita ko. Alam ni'yo 'yong entrance papasok habang pumapasok ka sa loob ng royal palace?

'Yong ambiance ng labas ganoon na ganoon. Kaso lang ang lawak naman ng lalakarin ko. Wala akong nagawa. Binagtas ko ang daan na nakikita ko.

Kung ang nanlaki ang mga mata ko kanina ngayon naman ay laglag panga naman ang nagawa ko. Sobrang laki kasi ng bahay na nasa harapan ko. As in palasyo na siya. May dugong maharlika ba ang may-ari ng palasyo na ito?

Pero napansin kong ang tahimik ng buong lugar. Simula kasi nang makapasok ay wala pa akong nakikitang tao. Hindi kaya ako makasuhan ng tresspassing nito? Pero bumukas naman ang gate, meaning puwede akong pumasok.

Hindi mo naman masasabing haunted palace itong nasa harap ko dahil ang lively naman ng kulay nito. Biglang sumagi sa isip ko 'yong camera ko. Agad kong hinanap ito sa bag ko pero wala akong nakita maging 'yong dalawang maleta ko ay nabuksan ko na pero wala pa rin.

Tumigil ako sa paghahanap. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata ko para pigilan ang sarili kong bumalik sa pamamahay para kunin ang camera ko.

Book I: IRRESISTIBLE CHARM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon