1

64 2 0
                                    

"Ohh, siguraduhin mo lang na di ako sasabit sa kalokohan mo. Haysss... ewan ko ba sayo!" Sabi ni Anton kay Yuen saka nababahalang inabot sa kanya ang isang brown envelope at masaya naman nyang kinuha yon.

"Thank you talaga ahh huhu... I really appreciate it, iba talaga nagagawa ng laki sa Recto noh?" Biro pa ni Yuen.

"Sira! Pero seryoso, ako kinakabahan sa gagawin mo, ikaw lang kilala kong gagawa ng ganyang kalokohan. Bakit mo naman naisipang ipagawa sa akin yan?? Di mo ba alam na pwede kang makasuhan sa ganyan?? Sino ba namang matino ang magpapaiba ng pagkakakilanlan??" Mga tanong pa ni Anton at naiirita naman si Yuen na napapangiwing binuksan ang envelope at sinuri ito.

"Pwede makasuhan eh diba trabaho nyo nga to??" Sabi nya pa at kunwari'y napapaisip si Anton kaya natawa naman sya.

"Gaga, ibang usapan kasi yan. Hindi naman yan basta-basta certificate yang pinagawa mo---eh parang citizenship na yan eh." Sagot nito.

"Citizenship? Eh kasarian lang naman pinabago ko!" Asik ni Yuen at naiiling-iling naman sya.

"Bahala ka, pag ako talaga nalagot Elay ha." Sabi pa nito.

"Haha chill, di ka madadamay dito promise." Sagot ni Yuen na akala mo ay may ilegal na ginagawa.

Pero ilegal nga naman din kasi talaga.

"Minsan lang ako mag favor noh! Pagbigyan mo na ako." Nakanguso pang sabi ni Yuen.

"Bat ba kasi ayaw mo na lang sagutin?" Singhal pa ni Anton dahil andon pa rin sa kanya ang kaba sa pinaggagawa ni Yuen, iniisip nya kasi na mukhang may kakaibang balak ang kaibigan.

"Ihh ginagawa ko lang naman to kasi..." Usal nya pa.

"Kasi ano??" Anton.

"Ah Basta! Di naman importante. Isa pa ay ikaw lang ang maasahan ko dahil i know na magaling ka sa mga ganito." Nakangusong sambit pa ni Yuen.

"Tssh... That's not the point. Basta ay ayokong madamay kung may binabalak ka mang kalokohan at siguraduhin mong hindi mo gagamitin sa maling paraan yan." Singhal pa ni Anton

"Oo na, wag ka mag alala di ka sasabit. Thank you ulit ahh." Sabi pa ni Yuen.

"Sige na, mauna na ako sayo at nagmamadali pa ako." paalam na rin ni Anton at tumango naman ito saka kumaway sa kanya saka ito naglakad papalabas at naiwan si Yuen sa kwarto hawak pa rin ang isang papeles.

Ang pinagawa kasi ni Yuen ay isang fake birth certificate kung saan maraming binago sa katauhan nya (PSA), mga pekeng sertipiko at papeles dahil iyon ang ipapasa nya sa requirements sa isang all boys school--yes all boys kahit babae sya!! Oh diba baliw. Ginagawa nya ang bagay na yan dahil sa kahibangan ni Yuen sa isang lalaking nag aaral doon at naisipan nyang doon din mag aral at magpanggap na isang lalaki, haha nakakaloko. Well good luck kung makakatagal syang walang makakaalam ng pagkatao nya dahil imposible talaga tong mabantot na plano nya.

Agad na binasa pa ni Yuen ang kabuuan ng pekeng PSA mula sa...

Stella Yuen Ricablanca

naging...

"Yuen Ricablanca" nalang although unisex naman second name nya kaya ginamit nya pa rin ito.

Nagbago rin Sex nya from female to male realquick and the rest ay wala namang nagbago.

Agad na binalik ni Yuen ang mga fake documents nya sa envelope at inilagay iyon sa bag saka nagsimulang mag ayos na ng gamit dahil sa dorm sya mismo ng school manunuluyan at bukas din ay ang lipat nya roon.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon