19

1 0 0
                                    

Kinabukasan ay nagre-ready na si Yuen sa pagpasok sa school, pagkasuot ng uniform ay nagready na rin sya ng cereals para kumain at habang nasa table ay natanaw nyang lumabas si Adi ng kwarto.

"Oh? Ano oras ka nakauwi kagabi?" Tanong pa nya rito.

"Why do you wanna know?" Si Adi saka dumeretso sa Ref para kumuha ng tubig.

"Tsk, wag mo sabihing di ka papasok? Bakit kagigising mo lang?" Si Yuen. Inubos muna ni Adi ang baso ng tubig saka nagsalita.

"Wala naman kasing pasok." Sagot nito.

"Anong wala?! Meron hoy! Siguro may hangover ka na naman kaya wala ka kagabi dahil nag inom ulit kayo noh?" Sabi nya pa.

"Ba't? Hinihintay mo ba ako?" Nakangising tanong nito at napangiwi naman sya.

"Anong hinintay? Bakit kita hihintayin?" Si Yuen.

"Tshh" Sagot lang nya at naglakad papaalis pero huminto saglit.

"Our coach told us na di sila papasok ni Prof. Dylan to support the film today." Sagot nito at tuluyang naglakad muli.

Eh? Kung ganon...

"Wait wait!" Pigil pa ni Yuen. "You mean di papasok ang Prof. natin now?? So means walang pasok?" Paglilinaw ni Yuen.

"Inulit pa." Sagot lang ni Adi.

"Bakit di mo sinabi?!" Inis na tanong nya dahil nakabihis na sya lahat-lahat eh.

"Sinabi ko na." Sagot lang nito habang nakatalikod sa may gawi nya.

"Oo! Kung kailan huli na." Pasiring lang nya. Muli nang naglakad si Adi papasok sa kwarto nito at mukhang matutulog pa ata ulit.

Grrrr kaasar naman!

Inis namang tumayo si Yuen at nilagay muna ang pinagkainan sa lababo.

Eh sila Ace kaya? Alam na nila? Siguro naman Oo dahil yung Coach pala nila sa basketball ang nagsabi, eh paano yung ibang mga kaklase namin like me na hindi alam??

Nagtungo muna si Yuen sa kwarto nya para magpalit muna ng damit at sinampay ang uniform. Aalis pa rin sya para magpunta sa room upang masigurong wala ngang pasok.

Pagdating sa may labas ng building ay patakbo syang nagtungo sa may building ng classroom nila. Halos wala nga masyadong mga studyante kaya nang makasakay sya ng elevator ay patakbo rin syang lumabas pagdating nito sa floor nila. At doon tumambad ang mga wala katao-taong classroom, hindi lang sa room nila dahil halos lahat ng classroom na nasa hallway ay sarado at madilim.

So ako lang talaga hindi nakakaalam??

Bakit di man lang sinabi ni Adi sa akin agad?! Yung tao talaga na yun nakakainis!!!

Napabuntong hininga naman syang sumakay na lang ulit sa may elevator pababa.

Di rin naman in-anounce sa buong klase diba? Masyado ba akong maaga umuwi kahapon? Ehh nagkita kami ni Caleb pero wala naman syang nabanggit sakin eh?

Pagkalabas ng elevator ay naglakad na sya papaalis sa building pero saktong nakita naman nya ang kaklaseng si Tim, pero di rin ito naka uniform.

"Tim!" Agad na tawag nya, mukhang patungo ito sa canteen pero nahinto ng marinig si Yuen na agad din nitong nilingon.

"Yuen?" Sabi pa nito at patakbo namang lumapit si Yuen at nahinto sa may harap nya. "Oh? Galing ka ba sa building natin?" Tanong pa nito at tumango naman sya.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon