"Ta, Wendy, aalis na po ako." Paalam ni Yuen.
"Oh papasok ka na? Bat di ka ata nakauniform??" Tanong ni Wendy nang makitang naka pantalon at tshirt lang si Yuen.
"Ahh andoon kasi sa school uniform ko." Pagdadahilan niya kahit ang totoo ay nasa bag nya lang.
"Oh ito dagdag mo sa baon mo." Sabi ng tita nya na aasta na sanang kukuha ng pera sa wallet nito pero...
"Ay tita wag na po. M-may pera pa naman po ako hehe salamat na lang po." Pigil ni Yuen.
"Pamasahe??" Ani ng tita nya.
"Tita, okay na po. Wag nyo na po isipin yang bagay na yan. Sapat na po ang patuluyin nyo ko dito sa loob ng ilang araw." Nakangiting sambit ni Yuen.
"Sigurado ka ba? Oh, siya sige at mag iingat ka." Paalam pa ng tita nya.
"Sige tita, una na po ako." Paalam na rin ni yuen at sinamahan naman sya ni Wendy papalabas.
"Gusto mo hatid na kita sa school mo, gagamitin ko yung car??" Suhestiyon pa ni Wendy sa kanya.
"Ano ka ba di na, di mo na ako need ihatid hahaha. Ikaw ba? Ano oras pasok mo??" Tanong pa ni Yuen sa kanya.
"Mamaya pa akong tanghali eh. Ikaw, ano naman oras uwi mo??" Tanong din nito kay Yuen.
"Mga hapon, depende basta di naman ako lalagpas ng 6pm. If ever mang di ako makakauwi ay dumeretso lang ako sa dorm ko, di bale magtetext naman ako kapag ganon." Sagot niya.
"Oh sige sige, mag iingat ka sa byahe ha." Paalam din ni Wendy sa kanya at nakangiti naman nyang kinawayan ito saka lumabas.
Lunes, panibagong umaga na naman. Balik na sa normal pagkatapos ng sportfest. Makikita ulit ni Yuen si Ace pero... Nanaisin muna nyang umiwas at dumistansya rito. Ayaw nyang maging komplikado kapag papatuloy pa sya sa paglapit at pagpapapansin sa kanya pero ang nararamdaman nya ay ganon pa rin at di pa rin naman mawawala iyon.
Aware si Yuen na di sya nagiging maingat sa mga kilos nya nowadays kaya nya naisip ang mga bagay na to. Gusto nya pa rin si Ace, gustong-gusto at di na nga ata mawawalan iyon.
Si Adi, kaibigan nya pa rin si Adi... lahat ng mga ginagawa nya ngayon ay para sa sarili nya at sa dobleng pag iingat na ginagawa nya, kung kailangan nyang lumayo o dumistansya ay gagawin nya. Kung may nararamdaman man si Yuen? Wala. Di naman sya galit dito actually, ninais din nyang dumistansya dahil di malayong kapag nagkataong mabubuking ang pagkatao nya ay ito ang unang makaka diskubre.
Pero aaminin ni Yuen na naiinis pa rin siya dito dahil sa nangyari nung huli nilang pagkikita.
Sino bang di maiinis eh nagpaliwanag ka naman ng maayos tas iba dating sa kanya??!
Galit ba sya dahil nalaman nyang kakilala ko pala yung taong nakaalitan nya sa court?? Di ko naman hawak ang isipan ni Dwight ah!
Gayunpaman, hindi pa rin iyon ang main reason talaga nya ng pag alis muna sa dorm. Gusto rin muna nya kasi makapag isip ng malaya at malayo kay Adi, dahil kahit kaibigan nya ito ay kapatid pa rin ito ng lalaking gusto nya na syang rason kung bakit narito sya ngayon.
~~~~~~~~~~~~
45 minutes ang nakalipas at nasa tapat na ni Yuen ang gate ng school. Nilabas naman nya ang ID nya saka pumasok sa gate.
"Ba't di ka nakauniform??" Biglang sita ng guard.
"Ah actually po magbibihis na talaga ako. Di muna ako nag uniform kasi baka po madumihan sa byahe hehe." Sagot ni Yuen.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...