4

11 2 0
                                    

Kinaumagahan ay nakabihis na si Yuen nang makalabas sya ng kwarto.

Rise and Shineeee, panibagong araw na naman para makita ang pinaka mamahal k---

Nagulat naman sya nang makitang nagsasapatos na si Adi.

'Teka tapos na sya?? Bakit di ko man lang namalayan yung pagkilos nya?

"Good morning." Bati pa ni yuen dito at tinignan lang sya ni Adi. "Naligo ka ba?" Kasunod nyang tanong at kumunot naman ang noo nito.

"Of course, anong tingin mo sakin?" Nakasimangot na sagot ni Adi at muling tinuon ang paningin sa sinusuot na sapatos.

Owsss?? Di nga??

"Weh? Bakit di ko man lang narinig kilos mo? Ni hindi ko man lang narinig na umagos yung tubig--tsaka nauna ka pa sa akin matapos eh mas nauna pa nga akaong magising say--"

"Masyado kang maingay." Pangpuputol ni Adi sa pagsasalita ni Yuen saka lumapit sa may sofa para kunin ang bag nya. Tumingin pa sya kay Yuen. "Next time ay bilisan mong kumilos para hindi ka nauunahan." Dagdag nito saka sinukbit ang bag at lumabas na ng dorn nila. Naiwan naman si Yuen na nakataas lang ang isang kilay.

Whatever!

~~~~~~~~~~~~

Excited si Yuen dahil makikita na naman nya ulit si Ace sa room mamaya kaya masaya namang tinatahak nya ang daan patungo sa building nila.

Pero nahinto si Yuen nang makita si Adi na nakapamulsang naglalakad sa may hallway di kalayuan sa kanya.

Oh akala ko ba mabilis sya kumilos? Bakit naabutan ko pa??

Dali-dali syang naglakad papalapit kay Adi at kasalukuyan naman syang nasa may likuran na nito.

"Akalain mo nga naman at naabutan pa kita?? Bakit wala ka pa sa room??" Salita pa ni Yuen at nahinto naman sa paglalakad si Adi, 3 segundo ang nakalipas at hinarap sya nito na may blangkong mukha.

"What are you doing there?" Tanong nito.

Hello? Kasasabi ko lang na naabutan ko sya?

"Ahh Walking??" Pamimilosopo rin ni Yuen at diretso lang syang tinignan ni Adi na animo'y di ito nakikipagbiruan. "J-joke lang, ah naabutan lang talaga kita-- I thought nasa room ka na." Sabi nya, di naman sya pinansin nito at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Sabay silang naglalakad sa may hallway at parehong tahimik lang hanggang sa makapasok ng elevator.

*TING!*

Pagbukas ng elevator ay natanaw naman nila sa labas ang grupo ng mga kalalakihan na papalapit sa may gawi nila at nakangiti ang mga yon kay Adi.

"Morning, brad." Bati ng mga to sa kanya nang makalabas sila sa may elevator. Doon namukhaan ni Yuen ang mga lalaki na yon at yun yong mga kaibigan pala ni Adi na nasalubong nya noon nung una nyang dating sa dorm.

Ah ito yung mga nakihiga sa tutulugan ko eh, mga tropang dugyot tas ang aasim naman

"Yeah, morning." sagot ni Adi sa mga to. Napatingin naman ang mga to kay Yuen.

"Friend mo??" Tanong pa ng isa sa kanila na tinutukoy pa si Yuen.

"Pshh, Dormmate ko lang." Sagot lang ni Adi. Tumango pa si Yuen sa kanila saka ito nagpauna nang maglakad dahil feel nya maiilang lang sya.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon