Alas 8 nang magising si Yuen, una namang pumasok sa isip nya ay yung booth pero naalala nyang di na nga pala nya need na magpunta doon. Gayunpaman ay bumangon na sya ng kama saka lumabas ng kwarto.
Naalala na naman nya yung kagabi kaya napatingin naman sya sa may pinto ni Adi at mukhang tulog pa ito sa loob.
Wala nga pala silang laro, ano kayang gagawin nya??
Nagtungo naman si Yuen sa may kitchen para magluto ng agahan nang wala ano-ano'y nagvibrate ang phone nya na agad naman nyang kinuha at binasa ang isang text.
(Hello Yuen, si Pj to. Kinuha ko yung number mo sa form na sinagutan natin noon. Ask ko lang sana kung pupunta ka ngayon dito sa booth??)
Medyo nagulat naman siya nang mabasa iyon. Gayunpaman ay nireplyan nya na rin.
(Ay hello Pj, di na ako babalik dyan. Diba nga nagkainitan kami ng leader natin so wala na kong rason para bumalik pa dyan)
Reply naman nya, ilalapag nya sana ulit ang phone pero mabilis naman itong nagvibrate ulit.(Ha?? Diba nga wala na yon?)
Tanong pa ni Pj.(Anong wala??)
Tanong din ni Yuen.(Ay akala ko ba alam mo? Wala na yung leader natin, ikaw na yung leader ha? pinalitan nga kahapon diba?)
Sagot nito at mas nagulantang naman si Yuen na napakunot noo dahil walang maintindihan sa mga nangyayari.Teka kelan pa pinalitan?? Di ko man lang alam ah?
(Di ko alam Pj, umalis nga ako dyan diba tas nanood ng laban, ano bang nangyayari? Kwento mo nga?)
Sabi pa ni Yuen sa text. Ang tagal din bago magreply ni Pj kaya naupo naman siya at nag init muna ng tubig habang di pa ito nagrereply. Nagtimpla na rin sya ng kape nya at naghanda ng makakain.Tagal naman magreply ni Pj, ano ba kasi talagang nangyari??
Eh di na ako bumalik ng booth eh, huling tanda ko pa na nasa school ako ay yung sabay kaming kumain ni Adi sa canteen tapos dumeretso naman ako uwi nun sa dorm after dumating ng mga ka-team nya ah??
Hanggang sa finally ay nagvibrate na nga ang phone nya na agad din nyang binasa yung text.
(Si Adison kasi pumunta sa booth ng hapon, di ko matandaan yung oras basta hapon na. Hinahanap nga nya yung leader nating si Primo tas tinanong pa nga ako kung si Primo nga ba yung nakaalitan mo tapos sabi ko Oo. Sinabihan nyang wag ng babalik si Primo sa booth at ikaw daw Yuen ang gawing leader, syempre etong si Primo natakot din kasi kinompronta ba naman ng anak ng may ari ng school kaya ayun natakot at di na nga talaga bumalik kanina. Nagtataka nga ako kung ba't di mo alam eh akala ko ay ikaw ang nagsumbong kay Adison since medyo close naman kayo??)
Text pa nito na kinagulat ng sobra ni Yuen.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...