43

8 1 0
                                    

Break time at mag isang nagtungo si Yuen sa canteen. Omorder muna sya ng pagkain pero pina paper bag nya ito dahil hindi sya kakain sa canteen. Nang makuha naman ang order nya ay saktong tumalikod sya at natanaw naman nya sila Ace kasama ang mga kaibigan nito na papasalubong sa may gawi nya. Nagbaba naman si Yuen ng tingin nang sa gayon ay di magtama ang mga paningin nila saka sya pasimpleng naglakad hanggang sa...

"Yuen." Sinig nyang tawag sa pangalan nya kaya natigilan syang nahinto sa paglakad at marahang nag angat ng tingin dito. "Uhm, mag isa ka lang bang kakain? Why don't you join us??" Simpleng ngiting tanong ni Ace sa kanya. Napatitig naman sya kay Ace saka napatingin sa mga kasama nito.

"Ah hindi ayos lang." Sagot ni Yuen na pilit ngumiti dito saka tumango. "S-sige, dito na ako." Sabi niya pa saka nagpaunang umalis na, sinundan na lang sya ng tingin ni Ace.

Paglabas sa canteen ay nagtungo sya sa may park, lugar kung saan din nya nakausap last time si Dwight.

Tahimik dito, di maingay gaya sa canteen at konti lang ang tao. Doon naman sya naupo at nilabas yung binili nya sa may canteen kanina.

Habang sumusubo ng pagkain ay napapaisip naman sya.

Hays ano kaya tong ginagawa ko? Tama ba to??

Para kasi akong tanga na paiwas-iwas pang nalalaman tas pag di naman nakatingin eh pasimple naman akong tititig. Ayoko lang din tuksuhin nila si Ace dahil sa akin kaya siguro mag titiis na lang ako.

Natigilan sya sa pag iisip nang may matanaw sa malayo. Nagsalubong naman ang kilay nya ng makita ito...

Oh ano naman ginagawa nito dito????

Napataas pa sya ng isang kilay nang makitang papalapit ito ngayon sa may gawi nya. Talagang nakipaglabanan din si Yuen ng titig dito habang naglalakad iyon patungo sa kanya. Hanggang sa makalapit na nga ito at nahinto sa tapat nya.

Taka naman syang tinignan nito.

"Ginagawa mo dito??" Bungad ni Yuen kay---wala na ngang iba kundi si Adi.

"Mag uusap tayo." Seryosong sagot ni Adi.

Usap??

"Tungkol saan naman??" Painosenteng tanong ni Yuen.

"Tshh, don't act like wala kang alam." Sagot ni Adi.

"Sinabi ko bang wala akong alam??" Pamimilosopo din ni Yuen.

"Shut up." Sagot ni Adi.

Wow, shut up?? Eh ako nga tong nananahimik dito tas ginambala nya.

"Ano ba kasi yon?! Kita mong kumakain eh." Inis na tanong ni Yuen.

"Then ubusin mo muna yan, hihintayin kita ngayon." Sagot nito at napaawang naman siya.

"Di na, di na. Geh, sabihin mo na." Sabi nya.

Kainis na to

Kita naman nyang seryoso din talaga ang mukha ni Adi kaya tumahimik na sya para makinig.

"You being like that dahil lang sa sinabi ko?? You distance yourself, leaving the dorm and act like that?? Napakababaw naman ng dahilan mo kung ganon??" Salita ni Adi.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon