22

13 1 0
                                    

Biyernes...

Kasalukuyan ngayong P.E class nila kaya nasa may Gymnasium sila ngayon para mag perform ng ilang activities. Kahit papaano ay nadaan sa pahinga ang sakit ng likod ni Yuen kahapon. Kinuhanan muna sila ng BMI at sinukat ang height at weight. Nang matapos ay pina jogging sila paikot ng 3 beses sa buong court at nag jumping jacks.

"Okay class, hahatiin ko muna kayo sa 5 grupo so kayo na bahala mag group sa sarili nyo into 5 lang ha, go." Utos pa ng coach sa kanila at nagkanya-kanya agad ang mga studyante doon.

Nagpalinga-linga naman si Yuen sa paligid kung sino ang lalapit sa kanya para maisama sya sa group.

Kanino kaya pwede makisaling pusa?

Una agad na tinignan nya ay walang iba kundi si Ace pero pansin nyang meron nang ibang nakalapit sa kanya kabilang ang 2 kaibigan nito.

Kumpleto na siguro sila...

Lumapit pa si Yuen sa kaklaseng si Tim at tinanong ito.

"Tim, ahh... kumpleto na kayo??" Nahihiya pang tanong ni Yuen sa kanya.

"Ay hala, sorry Yuen pero kompleto na kami sayang." Sagot nito.

"Ay hindi hehe ayos lang." Sagot ni Yuen sa kanila.

Kaya ayoko ng ganto eh...

Hanggang sa...

"Yuen!"
"Yuen..."

Dinig ni Yuen na may tumawag sa pangalan nya saka nya natanaw si Ace at Adi. Taka naman sya at di alam kung sinong titignan sa magkapatid dahil dinig nyang sabay ang pagtawag ng mga to sa pangalan nya.

Nakangiting lumapit si Ace sa kanya kaya mas natuon din ang atensyon nya dito.

"Yuen, kulang kasi kami. Baka gusto mo sumali sa group namin??" Tanong ni Ace na kinagulat niya.

Omg... inaaya nya ba ako?

Sya mismo nag aaya sa akin?!

"T-talaga, Oo ba hehe." Masayang sabi ni Yuen na agad grinab ang chance pero napatingin din sya kay Adi dahil narinig rin nyang tinawag din sya nito.

"Adi... Ikaw?? May sasabihin ka ba??" Tanong pa ni Yuen sa kanya pero umiling lang ito.

"Wala, dito na ako." Mabilis lang na sagot nito saka tumalikod at bumalik sa kagrupo.

"Ano bro?" Dinig pang boses ng kagroup ni Adi at kaklase ni Yuen.

"Wala, may kagroup na daw sya." Sagot pa ni Adi doon pero di na pinansin ni Yuen yon at masaya syang lumapit sa group ni Ace.

Meron silang laro na hilahan ng lubid at kung sino ang mananalo ay bibigyan ng mataas na points. Nagsimula nang pumwesto ang unang group na magkakalaban, nang magsimula ay kanya-kanya sila ng angking lakas na pinapakita sa paghila. Halos pigil ang hininga nilang inaagaw ang lubid dahil sa nais na manalo, wala pang isang minuto ay nakamit ng grupo sa kanan ang pagkapanalo.

Ganun din ng ginawa ng ibang mga grupo hanggang sa grupo na nila Yuen at Ace ang sasabak. Doon lang nila namalayan na ang kalaban nilang group ay ang grupo ni Adi. Nakangiti pang kumaway si Yuen kay Adi sa kabila bilang sagisag ng friendly game lang yon. Nasa may pinakaunahan si Adi at sa pinakaunahan din pinapwesto si Yuen. Ilang segundo lang ay pumito na ang coach at nagsimula nang maghilaan ang dalawang magkalabang grupo, dinig naman ang hiyawan at cheer ng ibang mga grupo doon habang naglalaban ang dalawang group.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon