Nang pagharap muli ni Yuen sa may pinto ng classroom ay ang pagpasok naman ni Adi. Agad pa syang napatayo nang makita nya itong nakapamulsa lang na naglalakad patungo sa may gawi nya pero natigilan ito sa paglalakad nang mapansing nakatingin nga si Yuen sa kanya habang nakatayo.
Marahan namang naglakad si Adi papalapit...
"Why???" Tanong pa nito. Di naman agad nakasagot si Yuen at nagpapalit-palit lang ang mga paningin nya kay Adi hanggang sa nagbaba ito.
"Ah wala naman." Sagot nya saka marahang naupo. Nagpatuloy naman si Adi sa paglalakad patungo sa upuan nito at sinundan lang sya ni Yuen ng tingin hanggang sa hindi na ito nakapag pigil. "Ahh s-saan ka pala nanggaling?? Sabi mo kanina na may hinihintay ka lang??" Tanong pa niya na hindi pinapahalatang curious sya.
"Yeah, just waiting for someone."
"Sino???" Mabilis na tanong niya na medyo kinabigla pa ni Adi. Kinalaunan ay napangisi ito.
"Why? Curious ka??" Tanong pa nito at natigilan naman si Yuen.
"H-hindi ah, tatanong lang siraulo." Pahina nang pahinang sabi nya.
"Stretching lang." Dinig nya pang salita ni Adi.
"Anong str---"
"Ok class." Natigilan si Yuen nang may magsalita at dumating na pala ang Prof. nila kaya no choice naman siyang naputol ang usapan.
Anong stretching naman yung sinasabi nya ha?
Eh bakit ba sa nangingialam ako?!
Curious lang ba't ba?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Palakad na sya papabalik sa dorm nya pero napansin nya nang nawala agad si Adi na para bang naglaho after ng klase. Di nya alam pero feel nya ay may ginagawa itong di nya alam, di naman sa nangingialam sya sa kung ano mang pinaggagawa nito pero di nya maiwasang gustong alamin.
Bago pa man sya makaliko patungo sa building ng dorm nila ay tanaw nya si Ace na tumatakbo kaya nahinto rin sya sa paglakad dahil papalapit ito sa may gawi nya.
"Yuen!" Tawag pa ni Ace na kinagulat niya saka ito tuluyang nakalapit sa kanya na hinihingal pa.
"Ah Ace, m-may kailangan ka ba??" Agad na tanong ni Yuen dito na medyo nag aalala pa.
"Ah no, I just want to ask kung nauna na ba si Adison sa dorm nyo??" Tanong pa ni Ace na kinataka nya.
"Ah actually pauwi pa lang ako doon, di ko rin sigurado kung nauna na ba sya. Pagka uwian kasi kanina eh bigla na lang sya nawala." Sagot naman ni Yuen.
"Ganun ba?? Tsk." Dinig nya pang singhal ni Ace.
"B-bakit, may problema ba??" Tanong pa ni Yuen at di naman nya maiwasang mag alala pa lalo. Kita naman nyang parang alanganin magsalita si Ace.
"Last time, napaaway sya kay Gabriel and then nalaman ni Dad kaya... kaya inutusan ako na hanapin sya." Sagot naman nito.
Eto nga yung sinasabi ni Pj din eh.
"Ha?? Ah ano bakit?? Paanong napaaway??" Kunyari ay di pa alam ni Yuen.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...