3

15 2 0
                                    

Masayang nakauwi si Yuen sa dorm nya at masasabi nyang isa itong araw na to sa pinakapaborito nya dahil pakiramdam nya ay sumasang-ayon sa kanya ang lahat ng bagay.

Naramdaman naman nyang nagvibrate ang phone nya kaya kinuha nya pa iyon sa bulsa nya para tignan ang isang message.

Si Mama...

(How are you anak, saan ka ngayon?)

Pagkabasa nya pa ng chat ay nagda-dalawang isip sya kung sasagutin nya ba iyon, pero agad naman nyang in-off ito.

Sorry Mama, pag nireplyan kasi kita magiging sunod-sunod ang text mo at baka magtanong-tanong ka na naman kung anong mga ginagawa ko rito.

Gayunpaman ay nakokonsensya sya kaya muli nyang in-on ang phone para replyan ang Mama nya.

(Nandito po ako now kila Klein, may ginagawa kaming group project.)

Dahilan nya dahil kilala naman ng Mama nya ang kaibigan nyang si Klein kahit papaano. Pero agad ding nagreply ang Mama nya.

(Oh sorry anak, mukhang naabala ko pa kayo. Sige continue that at mag aral mabuti.)

Pagkabasa nun ay medyo napanatag naman si Yuen kaya doon na sya dumeretso ng kwarto upang magbihis.

~~~~~~~~~~~~~~~

Alas 7 ng gabi ay kasalukuyan syang nasa table ng kusina at gumagawa ng assignment habang naghihintay na maluto yung sinaing.

Meron kasing pina-assignment sa kanila, need habulin ni Yuen ang mga araw na hindi nya napasukan dahil 2 weeks syang hindi pa nakakapasok mula nung magsimula ang klase dahil nga transferee sya at syempre sa loob ng two weeks na yun ay may mga lecture na ring isinagawa na nalampasan nya. Ang assignment pala na pinapagawa sa kanya ay about sa essay sa filipino lang naman na may katanungang...

"Bilang Isang Studyante Ng Maxwell East Prime, Paano Ka Makakatulong Sa Pag Unlad Ng Paaralan?"

Paano ako makakatulong?? Aba malay ko, kapapasok ko lang ngayong araw dito eh.

Pero yeah, for you Ace sasagutin ko tong katanungan na ito dahil ikaw ang rason ko ng pagpasok at sabay nating papaunlaring ang paar----

Napalingon naman si Yuen nang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Adi.

Kanina pa uwian ah? Bakit ngayon lang sya??

Inilagay pa nito ang bag sa sofa saka dumeretso sa may ref para uminom ng tubig.

"Ahh kumain ka na ba?" Biglang naitanong ni Yuen.

"Why did you ask?" Sagot nito.

Oo or Hindi pa lang hinihingi kong sagot.

"Ah wala, baka kasi gusto mong isabay na rin kita sa pagluluto. P-pansin ko rin kasi na puro processed foods at delata laman ng ref at basurahan mo so yang mga kinakain mo eh di rin masyado healthy sa katawan." Sagot ni Yuen at napatingin naman ito sa kanya.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon