8

0 0 0
                                    

Kinaumagahan ay nagising si Yuen at pakiramdam nya ay ang bigat-bigat ng katawan nya. Sapo-sapo nya pa ang puson na tumayo sa may kama.

Feeling ko mag kakatrangkaso yata ako...

Mabuti na lamang din at wala syang pasok ngayong araw. Nagligpit na muna sya ng kama at tanaw ang ilang tagos ng dugo sa bedsheet nya. Tinitigan nya pa iyon at napabuntong hininga na tinakpan ng kumot. Marahang syang lumapit sa may salamin at tinignan ang pwetan nya. Medyo nainis naman sya dahil maraming tagos ang nasa pants nya.

Kailangan kong labhan to mamaya...

Sinuot na lamang nya muli ang jacket para sa gayon ay matakpan iyon.

Pagbukas nya ng pinto ng kwarto ay sakto naman ang pagdaan ni Adi dahil mukhang patungo ito ng kusina. Sakto naman at nagkatitigan silang dalawa. Kapansin-pansin ang seryosong itsura ni Adi habang nakatingin ito sa kanya.

Although I know naman na normal look nya yan.

"Bakit?" Tanong ni Yuen. Nag iwas naman ng tingin si Adi at nagpatuloy magtungo roon sa kusina. Sinara ni Yuen ang kwarto at nagtungo muna sa CR para maghilamos. Nag toothbrush na rin sya bago lumabas at magtungo sa kusina para mag-prepare ng almusal.

Naramdaman naman nyang medyo nahihilo sya kaya agad syang naupo sa may table. Isip nya ay baka nagugutom lang sya kaya nag tinapay nalang muna sya dahil wala rin sya masyadong gana kumain.

Tahimik lang syang kumakain ng mapansing papalapit si Adi sa may gawi nya pero di nya na nilingon iyon.

Dumeretso lang si Adi sa ref at may kinuhang chocolate bar doon saka nya isinara ito. Bahagya naman syang napatingin kay Yuen nang mapansing nakayuko lang itong kumakain.

"Ohh?? Anyare sayo??" Tanong pa ni Adi sa kanya at nag angat naman si Yuen ng tingin.

"W-wala." Simpleng sagot lang ni Yuen.

"Kagabi ka pa weird, you know?" Taas kilay na dagdag pa ni Adi.

Natigilan naman si Yuen dahil nga naalala yung kagabi.

Kinakalimutan ko na nga eh...

Di na lang sumagot si Yuen at baka saan pa mapunta ang usapan, baka kasi magtanong na naman ito kung ano binili nya kagabi.


Buong magdamag si Yuen nasa kwarto dahil masakit ang puson, parang pinipiga ang pakiramdam nun. Kada galaw na ginagawa nya ay bigla iyong mamimilipit.

Tanghali na pero di pa rin sya makakain ng tanghalian, gutom sya pero wala syang gana magluto. Mag o-order na lamang marahil sya.

Maglalaba pa nga pala ako.

Kinuha nya na yung bedsheet na natagusan nya kabilang yung mga pinaghubaran nyang damit. Paglabas nya ng kwarto ay dinaanan lang nya si Adi sa may sofa habang nanonood ito.

"Maglalaba ka?" Tanong pa nito kaya nahinto si Yuen.

"Yeah." Sagot naman nya.

Sa totoo lang wala akong gana maglaba eh, pero di naman pwedeng hayaan ko lang itong stain ng dugo sa may tela at baka maging mansta na ng tuluyan.

Kahit papaano ay may washing machine naman doon sa CR kaya kahit hirap at pinilit nyang maglaba.

Siguro 30 minutes din nang matapos sya, pupunta sana sya ng kwarto pero may kumatok sa pinto. Nagkataong wala si Adi sa sofa kaya sya ang lumapit para buksan iton.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon