5

11 2 0
                                    

Huwebes ng umaga ay mabilis napatayo si Yuen sa may kama at tinignan ang orasan pero nanlaki naman ang mata nya dahil alas 9 na at late na sya. Agad syang  tumalon sa kama at kinuha ang twalya pati uniporme na nasa gilid nya at patakbong lumabas ng kwarto. Pero yun na lang ang panlulumo nya nang makarating sa banyo dahil naka lock ito at may tao sa loob.

Jusko don't tell me late rin sya??

"Adi? Adi sorry pero pakibilisan naman dyan oh??" Sabi pa ni Yuen habang kumakatok sa may pinto ng Cr. Mabilis namang bumukas iyon at tumambad si Adi na nakatapis lang ng twalya ang bewang habang basa ang buhok at may toothbrush pa sa bibig, nakakunot ang noo nito dahil siguro sa mga pagkatok ni Yuen. Mabilis namang iniiwas ni Yuen ang mata dahil sa nakita.

"What?" Si Adi.

"Tsk ah eh kasi baka pwede sana kung bilisan mo rin kasi late na rin ako." Alanganin na nahihiyang sabi ni Yuen habang nasa may gilid ang paningin nya.

"So ako mag a-adjust?" Si Adi at napapikit naman si Yuen.

"No, I mean konting pakiusa--"

"Then maghintay ka." Pangpuputol ni Adi saka isinara ang pinto. Inis naman si Yuen na napaawang.

Hhmmm nakakabwiset!!

Inaambaan pa ni Yuen ng kamay nya ang pinto na animo'y sinusuntok ito pero agad din nyang binaba nang makitang binuksan ulit ni Adi ang pinto para tignan ang ginagawa nya, tinanggal naman nya ang kamay at nilagay sa bulsa at kunwari ay sumisipol-sipol pa.Tinitigan pa sya ni Adi saka sinara ulit ang pinto.

Inis na tumalikod na rin si Yuen.

Kaasar!

Inuna na lang muna ni Yuen ang paghahanda ng gamit at bag nya saka pinunasan ang sapatos habang hindi pa tapos si Adi sa banyo. Pumunta pa sya ng Ref at kumain lang ng biscuit. Nang marinig na bumukas ang pinto ng CR ay dali-dali syang lumapit galing sa kusina.

Agad nyang nilampasan si Adi saka agad na pumasok ng CR at halos muntik pa syang madulas dahil sa kakamadali nya. Mabilis nyang hinubad ang damit at mas nabadtrip sya dahil nahirapan syang tanggalin ang binder nya. Nang matanggal iyon ay agad syang sumalok ng tubig sa tabo at timba dahil mas nababagalan sya kung sa shower sya maliligo. Sa kakamadali ay mali-mali na yung nagamit nyang shampoo.

Clear?? Teka di ko shampoo toh, kay Adi to!

Di bale na nga!

Nang matapos ay pinunasan nya maigi ang katawan nya ng twalya at nagsuot ng binder bago sinuot ang uniporme. Paglabas ng CR ay punas-punas nya pa rin ang basang buhok saka nagtungo sa may sofa para magsapatos. Pero yun na lamang nang matigilan sya dahil nakitang nakaupo lang si Adi at nagbabasa ng libro?

Hindi ba sya papasok?

"Bakit hindi ka pa naka ready?" Tanong ni Yuen nang makalapit.

"Saan naman?" Si Adi nang di man lang sya nilingon.

"Di ka ba papasok?" Si Yuen.

"Papasok saan?" Tanong pa rin nito at nakaramdam naman si Yuen ng inis. Di na lang nya sinagot si Adi at nagsuot na lang sya ng sapatos nya. Agad pa nyang kinuha ang bag nya at napansin naman nyang sinundan lang sya ni Adi ng tingin hanggang sa makalabas sya ng pinto at makaalis ng dorm.

~~~~~~~~~~~~~~

Tumatakbo syang nagtungo papunta sa building nila pero napapansin nya na wala naman masyadong studyante, may nakikita syang mangilan-ngilan lang. Imbis na mag elevator ay pinili nyang maghagdan at hapos 2 steps ang nilalagpasan nya at pagdating sa hallway ng room nila ay nakapatay ang mga ilaw.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon