Nasa kalahati na ng pelikula ang pinapanood nila at napaunat naman ng katawan si Yuen.
Sakit na ng likod ko kalahating oras pa lang, bilis kong mangawit.
Siguro nakadagdag din yung pagbubuhat ko ng mga paso kanina?
Medyo umiingay na rin ang paligid dahil yung iba ay mas piniling mag kwentuhan na lang kesa manood. Napapahikab naman si Yuen hindi dahil sa boring ang palabas kundi sa kulang talaga sya sa tulog.
Hanggang sa maramdaman naman nyang may tumama sa ulo nya kaya napahawak naman sya doon at napakamot lang. Nanatili lang syang nanonood hanggang sa maramdamang may tumama ulit.
Ano yun?
Napatingin pa sya sa may likuran nya at tanaw sa upuan nya ang kapiraso ng popcorn. Kinuha nya pa iyon at tinignan. Hanggang sa muling may tumama sa ulo nya na iba pang butil ng popcorn at pakiramdam nya ay may nananadyang mambato sa kanya.
Hanggang doon sya napalingon sa taas sa may likuran ng row nila, napalinga-linga pa sya doon upang tignan hanggang sa madapo ang mata nya kay Adi. Sya lang kasi ang nag iisang kumakain at may hawak na popcorn. Sinamaan naman nya ito ng tingin pero nakaharap ang paningin nito sa screen.
Alam kong alam nya na tinitignan ko sya, nagpapanggap pa tong mokong na to!
Yari ka sakin mamaya!
Inis syang bumalik sa panonood at inayos ang upo. Hanggang sa maramdamang binabato na naman sya ng mga butil ng popcorn at napupunta na iyon sa buhok nya. Mabilis syang napalingon kay Adi sa likod at tanaw nyang ngumingisi na itong ngumunguya habang ang mga mata ay nasa screen pa rin.
Puro pulbura na siguro ng cheese nasa ulo ko!!!
Pasalamat sya di ako masyadong makakilos ng maayos dahil katabi ko lang si Ace at ayokong maabala ko sya.
"Ah Ace..." Ani ni Yuen at napalingon naman ito.
"Hmm?" Si Ace.
"Ah iwanan ko muna saglit itong pwesto ko ah? Hehe mag C-CR lang ako." Paalam muna ni Yuen.
"Yeah, no worries ako bahala. Walang ibang makakaupo dyan" sabi nito.
"Thank you." Naka-ngiting sambit ni Yuen at marahang tumayo pero nanatili lang syang nakayuko para di sya makaharang sa panonood ng iba. Naglakad naman sya papalabas ng row at bumaba upang lumabas muna ng sinehan.
Pagkadating sa guard ng sinehan ay agad muna syang nagtanong kung saan ang banyo, tinuruan naman sya nito at tinatakan sa kamay upang makabalik pa rin sya sa loob. Paglabas nya ay pagpag nya ang ulong tinatahak ang daan papuntang banyo. Nakaramdam na rin sya ng gutom kaya bibili rin sya mamaya ng makakakain.
Pagtungo ng CR ay sa may sink sya dumeretso upang manalamin, sakto naman at mag-isa lang sya na nandodoon. Tanaw nya ang iilang puti-puti sa buhok nya kaya nakaramdam ulit sya ng inis.
Bwiset na yun, ano ba trip nun?
Hilig nya ako pag tripan kapag marami ang tao eh!
Pero pag kaming dalawa lang eh normal lang naman sya.
Kinuha nya sa bag ang panyo at binasa ito ng tubig saka marahang pinunasan ang buhok nya.
Namalayan nyang biglang bumukas ang pinto kaya napalingon sya doon at iniluwa nun papasok si...
"Anak ng? Sinundan mo pa talaga ako?!" Salubong ni Yuen sa pumasok na walang iba kundi si Adi.
"Sinasabi mo?" Si Adi.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...