66

6 1 0
                                    

Pagkadating sa harap ng pinto ay kinakabahan naman si Yuen at di alam kung kakatukin na ba iyon.

Sa likod ng pinto na to, andirito si Ace.

Huminga muna sya ng malalim at kakatok na sana pero...

Biglang bumukas iyon at tumambad sa kanya si Ace na medyo nagulat din nang makita sya.

"Yuen??" Gulat pa na sambit nito.

"Ahh... Hi??" Naiusal pa ni Yuen na gulat din.





~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kasalukuyang nasa sala na si Yuen habang nakaupo at ginagala ang paningin sa paligid.

I can't believe na makakapasok ako dito! Oh my god parang noon lang gustong-gusto ko pa malaman.

Napansin naman ni Yuen na may dalawang baso sa table na agad ding kinuha ni Ace.

"Wait lang ha ligpit ko lang to, I just had a visitor earlier." Saba pa nito at tumango naman si Yuen.

"Ah sige lang." Sagot nito.

Muling nagpagala-gala naman ang paningin nya.

Magkaiba nga talaga sila ni Adi... Plain lang ang paligid at minimalist while maraming koleksiyon ng kung ano-anong bagay naman si Adi.

Wala ba talaga syang ka-dorm mate?? O dahil anak sya ng may ari kaya hinayaang solo nya tong unit?? Anak din naman si Adi ah?

Ilang saglit lang ay bumalik na rin sa sala si Ace na may dalang juice.

"Uminom ka muna, kamusta na ang lagay mo??" Tanong pa nito.

"Ah hehe salamat. Actually okay naman na ako although medyo may nararamdaman pa ring kirot sa likod ko." Sagot ni Yuen.

"Sigurado ka na ba talagang ayos ka lang? I really didn't expect you to come here... You should take a rest para mapahinga ang katawan mo. We're lucky at walang pasok ngayon." Sagot nito at tumango naman si Yuen.

"Actually kaya ako nagpunta rito para kamustahin ka, di ko kasi alam kung anong nangyari kagabi after kong mawalan ng malay--paggising ko kasi nasa hospital na ako. Si Adi naman tinanong ko kanina pero parang iniiwasan nyang magkwento." Kwento pa ni Yuen at di naman sumagot si Ace at animo'y napapaisip muna ito bago nagsalita.

"Hindi nya ba nasabi sayo??" Tanong pa ni Ace at kita naman sa mukha nito ang pagkaseryoso kaya di nya maiwasang makaramdam ng kaba.

"B-bakit? Ano yun??" Usal pa ni Yuen.

Nakita naman nyang umayos ng upo si Ace.

"Adi got suspended for 1 week." Sagot nito at doon naman di makapaniwalang napatingin si Yuen kay Ace.

"A-ano??" Wala sa sariling sambit nya.

"Aight, since di mo nga alam sunod na nangyari, I will tell you." Simula pa ni Ace at kahit di alam ni Yuen ang ire-react ay minabuti nyang makinig.

"After ng paghampas sayo, nagkagulo na. Mabilis na sinugod ni Adi si Gab while sinusugod din sya ng mga kasama nito. Of course I helped him and it lasted for 5 minutes since the convenience store security came in kaya nagtakbuhan yung iba. Pinasa ng store ang copy ng cctv kay Dad kaya doon nagdecide si Dad na isuspend kami after nyang magpatawag ng meeting kaninang umaga." Kwento pa niya na mas kinabigla ni Yuen.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon