14

1 0 0
                                    

Alas 8 rin nakauwi si Yuen sa dorm nya galing sa gala nila ni Klein. Sa may hallway pa lang ay amoy nya na ang usok ng sigarilyo pero alam nya na kung kanino iyon.

Sino pa nga bang iba ang kilala kong naninigarilyo?

Di kalayuan ay natanaw nyang nasa may balcony ng hallway si Adi habang naninigarilyo ito. Hanggang sa napansin naman nito ang presensya ni Yuen.

"Huwag mo sabihing yosi na naman ang hapunan mo?" Salubong ni Yuen. Binugahan naman si sya ni Adi sa mukha ng usok. "Pwe-pweh pweh! A-ano ba!" Singhal agad ni Yuen habang winawasiwas ang kamay, nginisihan naman sya nito.

"Andyan ka na pala" Sabi nito.

Obvious ba?!

"Alam mo sating dalawa ay ako ang kawawa sayo. Hindi ka ba aware na mas maapektuhan ang secondhand smoker kesa doon mismo sa naninigarilyo?" Sarkastiko pang tanong ni Yuen. Sumandal naman si Adi at napakrusmano.

"Saan ka galing?" Tanong nito na hindi man lang pinansin ang tanong nya.

"Wala ka na dun." Nakangising bawi rin ni Yuen.

Akala mo ha...

"Bakit amoy babae ka?" Tanong nito at natigilan sya.

Amoy babae?! Sino?? Ako?!

Mabilis nyang inamoy-amoy ang sarili.

Hindi kaya ay dumikit sa akin ang pabango ni Klein?!

"Hindi naman ha!" Si Yuen. Di naman sumagot si Adi at nakakrusmano lang. Mabilis na binuksan ni Yuen ang pinto para pumasok dahil kailangan nya na agad magpalit ng damit pero bago yon ay may inabot syang paper bag kay Adi.

"Ano yan?" Taas ang isang kilay na tanong ni Adi.

"Pasalubong." Sagot lang ni Yuen. "Oh, kunin mo na." Dagdag nya pa. Doon naman marahang kinuha ni Adi iyon na di halata sa itsura nito ang pagkabigla. "Pakabusog ka." Pahabol ni Yuen saka pumasok sa loob.

Hayysss nakauwi rin!!!

Grabe ang pagod ko pasikot-sikot kanina, grabe si Klein parang walang kapaguran.

Pagkatapos kumuha ng pampalit sa kwarto ay dumeretso na si Yuen sa CR at binuksan ang shower. Habang naliligo ay dinig nya sa may sofa na nagri-ring ang phone nya.

Teka?!

Phone ko yun ah!

Naliligo sya nang may biglang tumawag, binilisan naman nya ang pagligo saka sinuot ang binder at damit nya. Tumutulo pa ang buhok n'yang lumabas ng CR pero yun na lang ang gulat nya nang makitang hawak ni Adi ang phone nya habang nakatutok ito sa tenga nito.

WHAT THE!

"Akin na!" Biglang bawi ni Yuen sa phone nya, medyo kinagulat pa ni Adi iyon habang may nakasalpak pang pagkain sa bunganga nito. Mabilis na nagtungo si Yuen sa kwarto saka ni-lock ang pinto at kinabahan naman nang makitang si Klein iyon.

"K-klein?" Kabadong tanong ni Yuen. Hindi nya naman narinig na sumagot agad ito hanggang sa...

"Sino yon??!!" Biglang malakas na sigaw ni Klein kaya nailayo naman bigla ni Yuen ang phone sa tenga at muling binalik.

"B-bakit ka napatawag?" Inis ngunit mahinang tanong ni Yuen.

"Sino muna yon?! Bakit lalaki ang boses?!" Tanong pa nito at napapikit naman si Yuen.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon