"I baptize you Brent Heidi R. Montereal, in the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit, Amen."
Sabi ng pari at binuhusan ng holy water ang ulo ng anak ni Yuen at Adi na kasabay nun ay ang pag atungal nito ng iyak. Nakangiti namang sinuotan na ito ng bonet ni Yuen at tumingin sa mga naroong bisita nagpalakpakan.
Pagkatapos ay naglakad na sila papalapit sa mga bisita at isa-isang nagsilapitan rin ang mga ito para kumuha ng larawan. Naroon ang buong family ni Yuen at Adi kabilang ang mga kaibigan nito, pinsan at tita ni Yuen.
"Welcome to Christian world my Apo." Dinig namang sabi ng mama ni Ace. Nagkatinginan naman si Yuen at Adi at nginitian nya ang asawa.
"Tita, do you want to hold my son??" Suhestiyon pa ni Adi dito.
"Oh really?? Sure!" Masayang sabi nito at nakangiti namang inabot ni Yuen ang anak dito na agad ding kinuha at naglakad para puntahan ang daddy ni Adi.
Umakbay naman si Adi kay Yuen kaya tinignan naman sya ni Yuen.
"Where's your mom, babe?" Tanong ni Yuen sa kanya.
"I... I honestly don't know kung makakarating sya." Simpleng ngiting sagot nito. Gayunpaman ay sinuklian sya ni Yuen ng ngiti.
"Darating yun I'm sure, I know na di nya matitiis apo nya." Sagot nya kay Adi habang nakahawak sa bewang nito hanggang sa...
"Are we late??" Dinig nilang may nagsalita sa may likuran na sabay nilang nilingon at natanaw si Ace na kasama sa may likuran nya ang... mama ni Adi.
Napatingin naman saglit si Yuen kay Adi na nakatitig naman ngayon sa mama nito saka tumingin kay Ace.
"Ah no, actually katatapos lang hehe." Sagot ni Yuen sa kanya. May iniabot naman itong regalo sa kanya.
"Where's my nephew??" Tanong pa ni Ace kay Yuen.
"Nasa mommy mo hehe, nandoon sila sa table ni Dad, thank you sa gift tito Ace." Sagot ni Yuen hanggang sa napatingin na sya sa mama ni Adi. Ito ang pangalawang beses na nakita nya ito, nung una ay sa kasal nila pero di ito masyadong nagpakita marahil ay nahihiya sa pamilya ng daddy ni Adi.
"B-buti po nakapunta kayo... Mama." Sambit ni Yuen na lumapit pa at nagmano rito. Ngumiti naman ito sa kanya at tumingin sa anak.
"Ahh p-pasensya na kung medyo nahuli ako anak." Sabi nito kay Yuen at tumingin pa kay Adi.
"Okay lang po yun, kumain po muna kayo" nakangiting sagot ni Yuen dito.
"T-thank you for coming, Ma..." Dinig nilang salita ni Adi kaya napatingin naman si Yuen dito.
"Gusto kong makita kayo ng apo ko kaya sinikap kong pumunta rito, Adison anak." Sagot nito hanggang sa...
"Mom." Salita ni Ace kaya napatingin sila dahil kasalukuyan ng papalapit ang mommy at daddy nito sa may gawi nila. Hanggang sa nahinto ang mga ito nang makita sila habang hawak pa rin ang bata. Tanaw naman nilang nakatingin na ngayon ang mom ni Ace sa mama ni Adi habang hawak nito ang anak nila ni Yuen.
Ang daddy nila ay kasalukuyang nasa likod lang din hanggang sa lumapit ang mom ni Ace sa mama ni Adi at...
"Here's your apo, look how lovely he is." Sabi pa nito na inilahad ang bata. Ang iba ay marahil bahagyang kinagulat iyon pero mas nakaramdam ng tuwa. Di rin iniexpect ng mama ni Adi iyon pero napangiti naman ito na kinuha rin ang apo. Napangiti rin ang daddy ni Ace at Adi sa nakita, kahit mismo si Ace.
Nagkatinginan naman si Yuen at Adi at napayakap naman sya rito.
I know it's not that big deal pero this scene will be forever unforgettable.
Forgiveness does not change the past, but it makes a better future lalo na sa mga tao. Sa nakikita ko ngayon, mas napapanatag ako para sa pamilyang kinabibilangan ko ngayon.
"Let's eat inside, Ma." Salita pa ni Adi sa kanila.
"Let's go inside, I cooked your son's favorite, Beef steak." Yaya din ng mommy ni Ace sa mama ni Adi at napangiti naman ito.
"Ah Oo-- Oo thank you, let's go." Sabi nito habang hawak ang bata at doon na sila pumasok sa loob.
Nagpahuli naman si Yuen at Adi sa paglalakad.
"How are you feeling, babe??" Tanong pa ni Yuen kay Adi.
"Grateful." Mabilis na sagot ni Adi at tumingin sa kanya. "I'm grateful to have you, our son and for this big family." Dagdag nito at hinagkan pa sya sa may sintido. Masaya rin ang puso ni Yuen para rito.
"I'm also really grateful to have you and our son." Sagot ni Yuen.
"I love you." Sambit ni Adi.
"Let's eat??" Masayang tanong ni Yuen.
"Yeah." Nakangiting sagot din ni Adi at doon ay tuluyan na silang pumasok na sa loob.
-The End
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...