Buzzer beater at panalo nga ang team nila Ace at dinig ang kasiyahan ng lahat. Tanaw pa ni Yuen kung gaano kasaya yung basketball team ng school nila habang nakapalibot kay Adi, sino ba namang di bibilib sa 3 points buzzer beater. Di rin mawala ang ngiti sa mukha ni Yuen habang nakatingin sa kanila, kita naman nyang masaya rin si Ace na binabati ang mga kakampi.
"Yuen!" Natigilan pa si Yuen nang may tumawag sa kanya mula sa may likuran at tanaw nya naman si Pj na kinataka nya.
"Kanina pa kita hinahanap, hinahanap ka rin kasi nung leader natin. Halika na muna." Yaya pa nito.
Huh? For what?
Eh nag e-enjoy pa ko dito eh?
"T-teka, bakit?? Hindi ba pwedeng mamaya na lang?" Usal pa ni Yuen dahil balak nya munang i-congratulate ang team nila Ace.
"Mabilis lang naman, may itatanong lang sayo. Balikan mo na lang sila dyan." Sabi pa nito at napatingin naman saglit si Yuen doon sa may court at wala namang nagawa kundi sumunod kay Pj.
Tsk! Kainis! Di ba talaga makakapaghintay yon?! Kita namang nagcecelebrate pa eh!
Inis lang na nakasunod si Yuen sa likuran ni Pj pabalik doon sa may booth.
Ilang minuto lang nang makarating sila ng booth at tanaw nga nilang nandoon ang leader nila.
"Bakit??" Bungad ni Yuen sa kanila.
"Sorry naabala ka pa ata namin, pero may itatanong lang sana." Sabi pa nito.
Buti alam nyo!
"Ayos lang, ano yun??" Tanong pa ni Yuen kahit deep inside ay naiinis sya.
"Saan mo pala nailagay yung mga stickers? Naubos kasi yung mga stamps eh ang dami pang pumapasok na mga studyante." Tanong pa nito.
Seryoso?? Talagang tinawag pa ako para itanong yan eh andito naman si Pj??
Tinignan naman ni Yuen si Pj...
"Pwede mo naman pala itanong sa akin yan doon bakit pinapunta mo pa ako dito, tsaka alam mo naman kung saan nakalagay diba?" Seryosong tanong ni Yuen kay Pj at di maitago ang inis sa pananalita nya.
Oo naiinis talaga sya dahil bukod sa tapos na ang time ng schedule nya sa booth ay naistorbo pa ang panonood nya, ni hindi man lang hinayaang i-congratulate muna sila Ace bago sya papuntahin dito.
"Hehe sorry Yuen, di ko din kasi alam na yun pala yung ipapatanong." Nahihiyang sambit ni Pj.
"Check nyo yung ilalim ng table, may eco bag na nakalagay dyan. Yan yon, dyan nakalagay." Sabi nya pa.
"Ayan naman pala eh madali lang hanapin." Natatawa pang sabi nung leader.
"Madali naman pala bakit pinatawag pa ako, pwede mo naman pala mismo itanong kay Pj." Sabat ni Yuen at natigilan ito.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...