62

0 0 0
                                    

Parang tanga namang nakatayo si Yuen ngayon nang makalabas sya sa elevator. Di nya rin alam kung bakit din sya lumabas, para bang nagkusang humakbang ang mga paa nya. May kalakasan din ang hangin kung kaya't pati buhok nya ay nagliliparan na sa mukha kasabay ng maluwang nyang uniporme.

Wala naman syang choice kundi maglakad at sundan si Adi na ngayo'y nasa may dulo ng balcony fence.

"Akala ko ba ayaw mo? What are you still doing here??" Tanong ni Adi nang di sya nililingon at para bang alam ba nito na sya agad iyon kahit tunog lang ng sapatos

"Di ko alam. Kusa na lang kumikilos katawan ko eh." Sagot lang nya at nagtungo sa may gilid nito at napasilip sa tuktok.

Wow...

Hindi nya maiwasang mamangha.

Mula sa rooftop ay halos kita nya ang buong Laguna ultimong ferris wheel ng Enchanted Kingdom sa Santa Rosa ay natatanaw nya sa malayo.

I didn't expect na ang ganda pala rito...

"Tambayan mo ba to?" Wala sa sariling tanong ni Yuen.

"Namin, tambayan namin." Sagot nito at tinignan naman sya ni Yuen.

"Ah, you mean mga friends mo?"

"Yeah." Sagot nito at muling napatingin si Yuen sa malayo.

"Maganda, maaliwalas, mahangin." Sambit nya, nasisiyahan sya na kahit may araw ay di alintana iyon dahil mahangin naman.

"Yeah maganda nga." Dinig nyang salita rin ni Adi kaya muli syang lumingon dito pero nakatingin na ito sa kanya. "Yung buhok mo, kulang na lang gawin mong meryenda." Habol pa nito sabay naglakad.

Pwe! Lecheng buhok to nalalahasan ko na shampoo.

Inayos naman nya ang buhok at naupo rin kung saan naupo si Adi sa may tabi ng water tank kung saan malilim at nahaharangan ang hangin.

"Good choice ha. Advantage ng may ari ng school, maraming alam na tago at pasikot-sikot." Sabi nya at kinuha ang bag para kunin yung tirang pagkain kaninang recess.

"Tsh, everyone knew this place." Si Adi.

"Eh bakit walang ibang tao? Tayo nga lang oh." Si Yuen.

"Because I didn't allow them to go here. Not only if they are Wayne and the others." Sagot nya.

"Wayne? Ah mga friends mo? Hahaha takot lang nila sayo." Natatawang sabi nya at napaisip. "Edi bawal din pala ako dito?" Tanong nya.

"Nakaupo ka na nga." Sabi nito at mas natawa si Yuen.

"Hahaha siguro lagi kang no choice sakin? Masyado ba akong makulit?" Tanong nya pa sabay subo sa kinakain nya. Di naman nya ito narinig sumagot kaya sinilip lang nya ito at nakatingin lang ito sa kanya.

Ehem...

May mali ba sa sinabi ko?

"Ah haha... Anyways di ko pa nakikilala friends mo tho nakikita ko naman sila ilang beses na. Wayne yung isa diba? Ano name nung 4? Meron isang makulit sa kanila last time eh, yung si birthday boy." Sabi ni Yuen at inalala yung eksena na yon.

Kulit nun eh, may cellphone naman bakit hindi nya invite through phone si Adi at gustong ako pa mismo magsabi.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon