Ilang minuto lang at halos puno na agad ng mga tao ang venue, may matanda, pwd, magulang na may dalang bata. Ayos na rin ang sound system kaya hinihintay na lang na magsimula.
"Magandang araw po sa ating lahat!" At doon na nga may nagsalita para pangunahan na ang medical mission, batid kong iyon yung Kapitan ng barangay.
"Una sa lahat ay nais ko muna magpasalamat sa East Medical Center sa pangunguna ng medical mission na ito upang matulungan ang ating mga mamamayan na masuri ang kanilang kalusugan. Syempre nariyan din ang ating mga minamahal na volunteers, students ng Maxwell East at ating mga barangay tanod na nagsaayos nitong ating venue ngayon, bigyan naman natin sila ng palakakan!" Sabi pa ng Kapitan kaya nagpalakpakan ang mga tao.
"Bago tayo magsimula ay nais ko lang magbahagi ng konti lang naman, na salaysay. Batay sa data na nakalap ng ating barangay ay uso ang ubo at sipon sa panahon ngayon at halos puro kabataan ang tinatamaan ng sakit na iyon. Laging laman ng health center ng barangay ay mga pasyenteng bata edad 1 hanggang 12. Bilang mga magulang ay doblehin po natin ang pag iingat sa ating mga anak upang hindi sila mahawaan o makahawa ng ganitong sakit. Sa magulang po kasi nagsisimula lahat at nasa wastong gabay lamang po iyan.
Kung kina-kailangan ay wag muna natin palabasin ng bahay ang ating mga anak kapag umuulan kahit pa sabihin nila na gusto nilang maligo sa ulan. Bukod doon ay pasuotin din po natin sila ng face mask lalo na kung may ubo sila dahil ang ubo po ay nakahahawa at pwedeng mag transmit ito through hangin kaya kapag may isa na sa pamilya ang inuubo ay wag natin hayaang dumikit-dikit sa atin ang ating mga anak kung tayo mismong mga magulang ang tinamaan ng sakit. Pero kung di maiwasan, syempre bata pa yan at ayaw nila nalalayo sa mama at papa nila ay tayo po mismo ang mag a-adjust, syempre suot ng face mask at uminom agad ng gamot upang hindi na lumala pa. Syempre ang huli ay panatilihing kumain lagi ng gulay, ito ha, kung ayaw kumain ng gulay ng anak nyo ay pilitin nyo sila o di naman kaya ay gumawa kayo ng recipe na gawa sa gulay pero tiyak alam nyong magugustuhan ng inyong mga anak.
Napakarami pong paraan upang maiwasan ang sakit na ito at sa ating mga magulang po nagsisimula ang tamang aral at pag gabay para sa kalusugan ng inyong mga anak.
Syempre hindi naman ito about sa ubo at sipon lang, naibahagi ko lamang po sapagkat ito halos ang kaso ng mga kabataan ng ating barangay sa ating health center.
Ang ating medical mission ay pang kalahatan po ha? At hindi lang sa mga bata.
So ayun nga at meron tayong free check up, free na check ng BP at free gamot and vitamins. Bukod doon ay may hinanda ring feeding program ang ating barangay kaya meron tayong sopas dyan.
Ano pa ba? Ahh... Sya nga pala ay meron ding magde-demo sa atin ng first aid kit tulad ng CPR para kung sakali mang may hindi inaasahang pangyayari ay meron kayong kaalaman sa bagay na iyan. So I think ay yun lang naman ang gusto kong sabihin, muli ay maraming salamat sa pakikiisa ng lahat at nawa'y makatulong sa inyo ang inihandog naming programa." Mahabang salita ng kapitan at nagpalakpakan muli ang mga tao.
Pagkatapos ng pagsasalita ng Kapitan ay doon na nga nagsimula ang programa. Nagtungo na rin si Yuen sa harap kasama si Nurse Joy upang magturo ng first aid sa mga tao, sumunod doon ay yung free check at bigayan ng gamot bago ang feeding program.
~~~~~~~~~~~~~~~
Mga halos 3 oras din ang nakalipas at yung ibang tao ay nagsisi-alisan na upang umuwi, may iilan pa ring kumukuha ng gamot at vitamins, may mga batang naglalaro habang dala-dala ang baso ng sopas nila.
Nakaramdam din si Yuen ng pagod sa pag aasikaso kaya naman nagtungo muna sya sa isang tabi upang maupo at magpahinga saglit. Yung mga kasama naman nya ay malayo sa kanya dahil nakaupo ang mga ito sa kabilang dulo ng converd court, di na sya nagtungo doon dahil tinatamad na rin naman sya.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...