Magdamag lang si Yuen na nasa kwarto dahil nahihiya syang lumabas, gayunpaman ay mapipilitan sya dahil kailangan nya na agad labhan ang uniform nya dahil wala syang baon at nandoon ang isang pares kila Wendy, dahil nga biglaan din ito. Pagkatapos magpalit ng pambahay ay kinuha naman nya ang labahan saka marahang nagtungo sa may pinto pero di muna sya agad lumabas dahil sa pagdadalawang isip.
Lalabas na ba ako?? Tapos na kaya yun maligo??
Di naman sya mapakaling napapaisip hanggang sa doon nya na binuksan ang pinto at lumabas pero walang tao roon, sa madaling salita ay nasa kwarto si Adi at kahit papaano ay para naman syang nakahinga ng maluwag. Dali-daling nagtungo agad sya ng banyo para labhan ang uniporme ng matuyo agad dahil may pasok pa sya bukas.
Alas dos ng hapon ay nasa may canteen ngayon si Yuen habang nakapambahay lang. Nakaramdam kasi sya ng gutom at gustuhin man nyang magluto sa dorm pero di nya magawa, hindi sa di pwede kundi feel nya eh maiilang lang sya gaya kanina bago sya lumabas ay nasa may kusina si Adi. Di man nya ito pinansin ay pasimple naman nyang tinitignan ito.
Tanaw naman nya ang iilang mga juniors at senior students na kumakain, marahil ang iba ay nagtataka sa presensya nya dahil di ito nakauniporme.
Ba't ba?? Wala naman akong pasok ah? Isa pa eh nasa loob ng campus ang dorm kaya normal lang namang magtungo sa canteen kahit di nakauniform.
Habang kumakain sya ng Teriyaki with rice ay tinext naman nya si Wendy para sabihin kung ano ang lagay nya, tumila man ang ulan pero di ibig sabihin nun ay makakadaan na sya doon. Agad nyang binaba ang cellphone sa may table at pinagpatuloy ang pagkain.
Sa kabilang dako ay di nya maiwasang mapaisip sa mga bagay-bagay.
Layo na rin pala ng narating ko noh, parang nung una lang eh nag aalangan pa akong pumasok rito pero ginawa ko pa rin dahil sa isang tao.
Ngayon naman narito na ako, pero parang komplikado. Kabaliktaran sa mga bagay na inaakala ko. Di rin pala madali eh noh, sana man lang wala akong pagbayaran sa dulo para sa mga ginawa kong ito.
Hanggang sa naubos na ni Yuen sa pag inom ang milktea nya habang napapaisip, tumayo naman din agad sya at inayos ang sarili saka naglakad papalabas ng canteen.
Wala naman syang magawa at di nya rin nanaisin na bumalik muna sa dorm dahil kapag nandoon din sya ay magdamag lang din sya sa may kwarto.
Huhu anong gagawin ko, wala naman din akong friends dito. Yung kaisa-isang kaibigan ko pa inaway ko. Wala man lang akong makausap, ayaw na sakin ni Adi.
Bagsak lang ang balikat habang naglalakad sya at di alam kung saan paroroon. Naisip naman nyang i-try na pumunta muna sa may park at doon na nga sya patungo ngayon.
Pagdating ay walang kasing boring ang nadatnan nya, walang ibang tao at worst ay basa pa ang mga upuan dahil sa ulan kaya nasapo naman ni Yuen ang noo.
Haysss wala na talaga akong pag asa.
Naglakad na lang sya patungo sa may labas ng gate at naghahanap ng maaaring mapaglilibangan. Sinundan naman sya ng tingin ng guard pero di naman nya iyon pinansin. Nang makalabas ng gate ng school ay napatingin naman sya sa paligid saka wala sa sariling napapara ng taxi.
Paghinto ng taxi sa harap nya ay napaisip naman sya.
Wtf?? Ba't ako pumara?? At saan naman ako pupunta??
Maya-maya ay nagbaba naman ng windshield ang taxi.
"Sasakay ka iho??" Tanong pa ng taxi driver sa kanya.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...