Kasalukuyang P.E nila at nasa may gymnasium sila, first time ding makapasok ni Yuen dito actually.
Nag I-stretching pa lang sila Yuen habang nagtuturo yung Prof. nila sa may harap.
"Okay class, do 30 push ups!" Utos pa ng Prof. at agad nagsipag pwestuhan lahat pati si Yuen ay dali-daling dumapa.
"1, 2, 3, 4, 5!!!" Bilang pa ng lahat.
Wala pang 20 push ups ay ramdam na ni Yuen ang sakit ng kamay.
Huhu I can't do this.
Ramdam nya pa ang panginginig ng kamay dahil iba pa rin naman talaga ang push ups ng lalaki sa babae.
Nairaos naman nya pero randam nya ang pagkalutay-tay. Gayunpaman ay tumayo pa rin sya, hinanap naman ng paningin nya si Ace pero nasa may unahan kasi ito at kay tatangkad pa ng mga kaklase nya kaya hindi rin nya ito makita.
"Do 30 jumping jacks!" Sigaw ulit ng Prof. kaya nagsimula ulit ang lahat at napabuntong hininga naman si Yuen na tumalon-talon din.
Need ko kayanin, need ko kayanin.
Sa pagtalon-talon nya ay doon nya natatanaw si Ace sa may harap, pinagmamasdan nya naman ito mula sa may likuran habang tumatalon-talon pa rin sya.
"Yuen."
Ang layo mo naman masyado Ace huhu paano ako gaganahan mag exercise dito.
"Yuen."
Bakit ba kasi ako nasa hulihan samantalang ang lalaking tao ng nasa harap ko?!
"Yuen!"
Natigilan si Yuen dahil narinig nya ang pangalan nya, doon naman nya namalayang nakahinto na ang lahat at nakatingin sa kanya kaya nahinto rin sya.
"Sumobra ka na sa talon, Yuen. Hanggang 30 lang, kanina pa kita tinatawag eh." Animo'y natatawang sabi ng kaklase nya. Nahihiya namang napakamot si Yuen at napatingin sya sa may gawi ni Adi na tinapunan lang din sya ng tingin.
Tsk!
Muling umayos ang lahat at sinagawa ang iba pang stretching.
Ilang minuto pa ang nakalipas...
"Sino flexible sa inyo?? Siguro naman yung mga atleta natin dito?" Tanong pa ng Prof. sa harap habang nakaupo at nakikinig ang lahat. "Tumayo nga muna yung mga atleta natin." Utos pa nito at doon nagsitayuan ang iilan sa mga kaklase ni Yuen kabilang si Ace!
Omg... Ano kayang nilalaro nya? Hindi na ako magtataka kung Basketball.
Nakita rin ni Yuen na tumayo si Adi.
Hmm atleta rin pala sya?
"Sino sa inyo yung flexible na kayang gawin yung seated forward bend?" Tanong pa ng Prof.
"Prof, ang sakit nun."
"Pang yoga lang yun, Prof."
"Di kaya, Prof."Sulsulan pa ng mga atletang studyante.
Basic lang naman yun eh.
Mga ganyan stretching namin sa volleyball.
"Montereal, ikaw kaya mo ba?" Tanong ng Prof. kay Ace kaya mabilis na tumingin si Yuen doon.
"Sorry Prof. hanggang harmstring stretch lang po kaya ko." Sabi ni Ace.
"Ikaw, Adison?" Baling ng Prof. kay Adi at tinitigan lang sya nito na para bang sa pamamagitan ng titig na iyon ay para alam na ng Prof. ang sagot. "Ah haha I guess walang makakagawa niyon dito in actual." Sabi ng Prof.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...