77

11 1 0
                                    

Kasalukuyang naglalakad na papuntang parking lot sila Yuen kasama ang parents nya na nagpauna habang nasa may likuran naman si Yuen hanggang sa...

"Yuen." Dinig niya na may tumawag sa kanya na agad naman nyang nilingon at nakitang si Ace iyon.

"Ace..." Usal pa ni Yuen na gulat nang makita nga si Ace na papalapit sa may gawi nya noon. Hanggang sa nahinto naman si Ace sa may harap nya at animo'y nagiisip pa kung sasabihin ba nya o wag na.

"A-anong ginagawa mo rito??" Sambit pa ni Yuen sa kanya.

"Ahh... Y-yung about kanina... Totoo ba yun??" Tanong nito habang nakatingin sa kanya. Natigilan naman si Yuen saglit.

"I'm sorry..." Naiusal lang ni Yuen. "I... I know na kinabigla mo rin yung nalaman mo. H-hindi ko rin ginusto yung ginawa kong iyon. I'm very sorry Ace." Hinging tawad na sambit ni Yuen.

"Y-you liked me??" Tanong pa ni Ace at napayuko lang na tumango si Yuen.

"B-but that's before. Ayokong ano pa ang isipin mo sakin. I respect you Ace, your relationship, your life. W-wala talaga sa plano ko ang manggulo o guluhin ka. Ang m-mali ko lang ay gumawa ako ng maling desisyon na pumasok dito." Agad na sagot naman ni Yuen.

Bago ko pa nalaman na may girlfriend na si Ace ay talagang pumapasok na sa idea ko na tumigil na sa ganito.

"H-hindi ko man lang alam o nalaman..." Salita naman ni Ace kaya nag angat ng tingin si Yuen sa kanya.

"Pero I think... Napapansin mo naman na siguro pagiging papansin ko sayo? Ahh yeah... maybe di mo nga napapansin but I think tama nga talaga si Gab... I'm weird and cr---"

"Ahh no, no. I didn't think you that way." Pagpuputol ni Ace sa kanya. "But it's better if you said it earlier..." Sabi nya pa.

Pag sinabi ko ba, may mangyayari ba?? I guess no.

But as I said, that was before.

"Sige Ace... Mauuna na kami, I guess this is the last time you will see me here..." Sambit ni Yuen.

"But I'm looking forward to see you again." Sagot naman ni Ace sa kanya. Simple namang ngumiti si Yuen.

"Yet, I'm still greatful na naging kaibigan kita. I'm happy that I met and known you personally rather than seeing you on screen..." Sambit naman niya.

"Really?? doon mo ba ako nakilala??" Nakangiting tanong ni Ace at napapakamot ulo na lang si Yuen na tumango.

Doon nga kita unang beses nagustuhan eh

Yeah, maybe past is past.

"S-sige na Ace mauuna na kami... Mag iingat kayo." Paalam na ni Yuen.

"Ikaw rin... Sana makita ulit kita, maybe soon??" Si Ace.

"Oo naman, w-walang problema. Sige dito na ako, salamat..." Usal nya.

Sinubukan pa ni Yuen na tumingin mula sa may likuran ni Ace para hanapin ang isang tao pero wala ito.

"Ingat ka Yuen, it was a nice meeting with you" Salita naman ni Ace at pagtango na lang ang naisagot ni Yuen. Doon na sya tumalikod sa kanya at naglakad papaalis.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon