☽ 74 ☾

14 1 0
                                    

Unveil the Truth.

Unveil the Truth

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.










⋇⋆✦⋆⋇ 


Umaga ay dala na ni Yuen yung susuotin nyang pang swimming na rush guard, sinadya nyang medyo lakihan ang part ng pang taas kumpara sa normal size nito dahil ayaw nyang bumakat ang dibdib nya. Mag dodoble or tripleng tube na ang susuotin nya.

Kasalukuyan syang pumasok muna sa CR para magsuot ng rush guard, ipapailalim na lang muna nya ito sa suot nya ngayon para mamaya huhubarin na lang. Nilapag na nya muna ang wallet nya sa may sink dahil wala namang ibang tao doon saka pumasok sa loob ng cubicle para magbihis.

Bago suotin ang rush guard ay sinigurado nya munang mahigpit ang pagkakasuot nya ng tube at talagang mafa-flat nito ang dibdib nya. Pagkatapos ay sinuot na ang pang swimming nya saka muling sinuot ang isang tshirt at pantalon. Inayos naman nya ang buhok at lumabas ng cubicle. Agad na rin syang naglakad paalis ng banyo pero may muntik pa sya makabanggaan kaya napatingin sya rito.

"S-sorry br---" Natigilan si Yuen sa pagsasalita nang makitang isa ito sa mga kaibigan ni Gab, oo tama at nakikilala nga nya to!

Eto yung isa sa mga tagasulsol lagi kay Gabriel kaya mas lalong napipikon ang tabachoy na yon sa away eh.

Anong ginagawa nito dito?? Hindi ba to kasama sa nasuspend??

Batid nyang nakilala rin sya ng lalaki dahil nakipagtitigan din ito sa kanya at kinalaunan ay ngumisi. Nag iwas naman ng tingin si Yuen at naglakad na lang para lampasan iyon, aaminin ni Yuen na kinabahan sya roon.

Buti na lang hindi yung Gab na yon ang nakasalubong ko mismo, dahil kung hindi ay baka ako talaga ang kawawa.

Kahit papaano ay kampante ako dahil may isang linggong remaining suspension pa naman yung Gab na yon. Gayunpaman, ayokong magtagpo pa ulit ang landas namin ni kahit matanaw sya sa malayo!

Pagdating sa loob ng classroom ay bumungad agad sila Caleb kasama ang iilan sa mga kaklase nila.

"Yuen, di ka pa dumeretso sa pool area??" Tanong pa nito.

"Didiretso na ba??" Tanong pa nya.

"Oo, actually papunta na rin kami doon, andoon na yung iba." Sabi nito.

"Ah s-sige susunod ako." Sagot ni Yuen at doon na nga nagpaunang umalis sila Caleb at naiwan naman sya sa room.

Susunod naman din sya ilang minutes after nila mauna, ayaw lang talaga nya makasabay sa hallway papunta sa pool area sila Caleb at iba pang mga kaklase nito. May 30 minutes pa naman bago magstart ang class doon. Naupo muna si Yuen at nag estimate ng 5 minutes bago sumunod patungo sa pool.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon