Kinabukasan, araw ng Sabado. Nagluluto lang si Yuen ng tanghalian sa may kusina. Pag uwi nya ng dorm kagabi ay di na sya nakapag dinner dahil dumeretso na sya ng kwarto at natulog. Di rin nya alam kung anong ginawa nila Adi kahapon, kung nagcelebrate ba or nag inom sila pero di nya na iyon pinansin pa.
Sakto namang bumukas ang kwarto ni Adi saka ito lumabas, Kapansin-pansin namang mukhang hindi ito nakainom dahil walang hangover. Marahil ay ibang celebrasyon ang ginawa nila kahapon.
Tahimik lang si Yuen habang naghihiwa at di sya pinansin. Napatingin pa si Adi sa kanya saka ito nagtungo sa may ref upang uminom ng tubig at naupo naman ito sa may table din sa tapat nya. Pero saktong pag upo ni Adi ay siyang pagtayo naman ni Yuen na lumipat ng pwesto at doon pinagpatuloy ang paghihiwa sa may sink. Napansin naman ni Adi ang pag iwas ni Yuen sa kanya kaya tinitigan naman nito ang likuran nya.
"Y-yuen... About last time..." Usal ni Adi.
"I'm not in a mood para pag usapan pa ulit yan." Seryosong salita ni Yuen na di man lang sya nilingon. Natahimik naman si Adi habang nakaupo lang.
Muling pinagpatuloy ni Yuen ang ginagawa habang tahimik lang ang kabuuan ng dorm.
~~~~~~~~~~~~~~~
Tanghaling tapat ay nasa kwarto si Yuen habang naglalagay ng mga damit at gamit sa may bag nya. Gusto nya munang mag unwind at makabawas ng isipin, di naman kasi nya akalain na sa pagpasok pala ng school na to ang makakapag pa stress sa kanya.
Balak nya munang di umuwi rito sa dorm at titira muna sya sa tita nya na nandirito rin nakatira sa laguna. Di naman talaga sya aalis ng dorm, gusto lang muna nyang mapag isa, the fact na iniwan nya pa ibang mga gamit nya rito dahil alam nyang babalik pa sya dito. Di bale na rin kung mamasahe man sya pag papasok ng school. Gusto na muna nyang i-reset ang sarili nya.
Sa totoo lang, ang daming nangyari sa buhay ko magmula nang pumasok ako rito. Ito na bang yung consequences sa kahibangan ko??
Siguro need ko munang pagpahingahin ang utak ko sa kung anong dapat isipin at gagawin.
Time to isipin ko naman ang sarili ko, wag puro Ace lang.
After maayos ang mga gamit ay doon na rin sya nag ayos ng sarili, tapos na rin sya maligo kanina kaya nagbibihis na lang sya saka nagsuklay.
Dala ang bag ay lumabas na sya ng kwarto at nagkataon pang nasa may sala din si Adi na napatayo nang makita sya. Napatingin pa ito sa dala nya saka nagsalita.
"Saan ka pupunta??" Tanong nito.
"Just to clear my mind." Pormal na sagot ni Yuen at napalitan naman ng pagtataka iyon sa mukha ni Adi. Di na pinansin iyon ni Yuen at agad na nagsuot ng sapatos.
"Dahil ba to sa kahapon?" Tanong pa ni Adi pero di nya pinansin ito. Nakatingin lang si Adi sa kanya saka tumayo si Yuen.
"May gamit pa ko sa kwarto at kung mag pa papasok ka ulit ng mga friends mo dito, make sure na walang makakarating sa kwarto ko." Sabi pa ni Yuen.
"Aalis ka?" Salubong na kilay na tanong pa rin nito.
"Una na ako." Sagot na lang ni Yuen na agad binuksan ang pinto at naglakad papaalis.
"Yuen!" Tawag naman ni Adi na hinabol pa sya sa pinto. Nahinto naman sya sa paglalakad.
"I told you already na may gamit pa ko dyan, it means babalik ako." Seryosong sabi ni Yuen.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...