57

8 1 0
                                    

"A-ano???"

Parang di naman makapaniwala si Yuen sa sinabi ni Caleb.

Yakuza??

"Yeah, you heard it right. 3 taon pa lang namamalagi si Adison sa school na to so it means, yung rest ng mga taon nya ay nasa puder ng mother nya. So it means nakakasama rin nya doon ang step father nya na yon." Dagdag pa nito at nagbaba naman ng paningin si Yuen.

Nung minsang natanong ko sya after ko lumipat dito, pagkakaalam ko parang di sya good terms sa mama nya at parang mas malapit pa sya sa mother ni Ace.

"Sa loob ng mga taong iyon na naroon sya sa puder ng mother at step father nya, posible raw na inimpluwensyahan o iniensayo sya ng ama-amahan nya pagdating sa mga bugbugan, gulo or mga martial arts ganyan. Kaya nung baguhan pa lang dito si Adison ay halos sakit sya sa ulo ng lahat mapa Prof, staff, studyante ultimong ng ama nya mismo. Actually ngayon lang tumino yan like di na masyado gumagawa ng mga eksena unlike noon." Sabi pa nito at nananatili lang na nakikinig si Yuen although di pa rin sya makapaniwala.

"Pero di pa rin natin masasabing member sya ng gang although ganon backround ng family nya. Kahit papaano matino pa rin sya, matalino sa klase, magaling na atleta ng school, competitive kaya imposible yang tingin mo sa kanya." Sabi pa nito at napatingin naman si Yuen sa kanya.

"Mali talaga ang iniisip ko??" Tanong pa ni Yuen at nagkibit balikat si Caleb.

"Di ko alam, sa kabila ng lahat ay di ko pa rin alam ang buong kwento. Yung mga sinabi ko sayo ay kinuwento lang din sa amin noon ni Ace. Kung may nakakakilala man kay Adison ay walang iba kundi si Ace lang." Dagdag ni Caleb at doon naman parang nakahinga ng maluwag si Yuen.

Wag kang mag isip ng ano pa man Stella, hindi ganon si Adi at sabi-sabi lang yon ng mga tao sa paligid na wala namang alam sa totoong kwento nya.

"Ahh Caleb, last na lang na tanong..." Usal pa ni Yuen.

"Sige, what??" Tanong pa nito sa kanya.

"T-totoo bang binugbog ni Adi si... si Gabriel ba yun??" Tanong pa nito at napaisip naman si Caleb.

"Hmm Ahh Oo, kagabi ko nga lang din nalaman. Actually ngayon na lang ulit yan sya may nakaalitan na naman, si Gabriel. Tanda ko noon eh parang wala namang issue yung dalawa na yan kahit kilalang bully si Gab sa campus eh di naman nagtatagpo yung landas ng dalawa. Recently eh bali-balitang nagsuntukan daw sila pero di ko kasi alam kung bakit." Sabi ni Gab.

Kung hindi pa nga talaga nagtatagpo ang landas nila noon edi posibleng ako nga talaga yung reason dahil sa issue sa pagitan namin ni Gab doon sa gymnasium.

"K-ka-dorm ko kasi si Adi... Kahapon lang hinahanap sya ni Ace sa akin, mukhang nagkasalisihan silang dalawa at ayaw din ipaalam ni Adi na naroon na sya sa dorm while hinahanap pa rin sya ni Ace." Sabi pa ni Yuen.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon