"Oh Anong?? Bakit ka nandi--nagpapakasuperman ka na naman ba pretty boy??! Anong ginagawa mo dito ha???!" Bungad ni Gab kay Ace nang makita ito na naglakad din papalapit sa may gawi nila, si Yuen naman ay nakatitig din dito.
Bakit nandito si Ace... Baka mapahamak sya...
"Eh ikaw? Kayo? Ano nga ba ginagawa nyo rito?? Nanghaharass na naman ba ng mga studyante namin??" Tanong din ni Ace.
"Ano bang pake mo?? Akala mo ba di ko pa nakakalimutan kagagawan nyo ng kapatid mo sakin??!" Tanong pa ni Gab. Di naman sya pinansin ni Ace at sa halip ay tumingin ito kay Yuen.
"Are you alright, Yuen??" Tanong pa ni Ace na di inaasahan ni Yuen.
"Ha?? Ah ano a-ayos lang naman." Sagot nya rito. Muli naman itong tumingin kay Gab.
"Ikaw? Gusto mo bang madagdagan pa araw ng suspension mo??" Baling nya kay Gab na kinangisi naman nito.
"Ba't?? anong gagawin mo??" Mayabang na tanong din nito.
"I can do better than that." Mayabang na sagot din ni Ace at nawala naman ang ngisi ni Gab na unti-unting napalitan ng pagkapikon.
"Yabang ah?? Dahil ba tatay mo may ari??" Singhal pa nito. "Eh diba Parehas lang naman kayong palamunin ng kapatid mo na umaasa lang sa yaman ng Ama nyo??!" Dagdag nito bagaman di lang sya sinagot ni Ace. "May karapatan din ang pamilya ko sa paaralan nyo!! At ang tulad mo ang hindi basta-basta makakapag pabagsak sa isang tulad ko." Umiigting panga pang sagot nito.
"Talaga ba?? Kaya nga nasuspend ka eh." Di alam ni Yuen kung nang aasar ba si Ace dito.
"Ha! Kailan pa kayo nagsanib pwersa ng kapatid mong bastardo???!" Tanong ni Gab at kita naman ni Yuen na parang nag iba ang tindig ni Ace sa sinabing iyon. "Dalawa kayo tapos ako mag isa??! Natural papaburan kayo ng ama nyo! Tsh ano pa nga ba aasahan sa babaerong ama na inii-spoiled yung mga ana---"
Doon natigil sa pagsalita si Gab nang biglang dumausos ang kamao ni Ace sa mukha nya, halos mapaatras si Yuen sa gulat dahil hawak ni Gab ang panga na muntik pang matumba at nanggagalaiting nakatingin kay Ace.
"Gago ka ah!!" Sigaw pa nito.
"Ace..." Wala sa sariling nasambit na ni Yuen.
Tanaw naman nyang seryosong-seryoso ang mukha ni Ace.
Huhu nung una si Adi tapos ngayon naman si Ace... jusko bakit andaming nadadawit na mga tao sa gulo dahil sakin??!
Bigla pang tumingin si Gab sa mga kasama.
"Kayo!! Ano pang tinutunganga nyo dyan?!!" Sigaw pa ni Gab at halata sa mukha din nito ang pagtataka at galit dahil nakatayo lang ang mga kasamahan nya habang nakatingin sa kanila.
"Mga tanga!! Ba't nanonood lang kayo!! Hawakan nyo!!" Sigaw pa nito.
"Di kami bayad dito Gab, si Adison lang ang usapan." Sagot ng isang lalaki.
"Tangina yun ba?? Edi babayaran ko mamaya! Hawakan nyo yan!!" Sigaw pa rin ni Gab at nagkatinginan naman ang mga kasamahan nito.
"Ano???!!" Sigaw nya pa rin nang mapansing wala pang kumikilos ni isa sa mga kasama nya na animo'y nagkakatinginan. "Gago? Mga bingi ba kayo??!!" Sigaw pa rin nito habang tinitignan ang mga kasama.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...