34

6 2 0
                                    

Kumatok si Yuen sa may pinto ng kwarto ni Adi saka sya pumasok. Pagpasok nya ay tanaw nya si Adi na nakatingin sa kanya pero halata sa mukha nito ang pagtataka kung bakit naririto pa rin si Yuen.

"Why are you still here??" Tanong pa ni Adi.

"Tshh wag ka na mag alala, nasabi ko na sa mga kateam mo na di ka makakalaro." Sabi ni Yuen saka naglakad papalapit at nilapag yung niluto nyang sopas at baso kasama yung gamot doon sa may table. "Urong ko muna to ah, para magkasya." Sabi pa ni Yuen na ginilid muna ang ilang bagay na nakalagay doon sa table. Di naman mawala ang paningin sa kanya ni Adi habang kumikilos ito. Halatang nagtatanong ang paningin nya.

"Bakit ba ganyan ka makatingin? Para kang nakakita ng multo." Singhal pa ni Yuen saka humarap sa kanya. Doon naman nag iwas ng paningin si Adi. Dahan-dahan pa itong bumangon at naupo sa may kama nya.

"Seriously, what are you still doing here?? Hindi ba dapat nanonood ka na ng laro nila Ace?" Tanong pa ni Adi at napaisip naman si Yuen.

"Yeah tama ka naman, bago mo man sabihin yan ay sumagi na yan sa isip ko kanina pa. Pero... Di kita maiwan ng ganyan eh." Sagot ni Yuen at halata naman kay Adi na natigilan ito.

"W-what do you mean??" Usal ni Adi at nagkibit balikat naman sya.

"Ewan." Sagot ni Yuen saka napatingin sa may likuran nya. "Paupo ako ha?" Paalam pa niya saka sya naupo sa may sofa di kalayuan sa kama ni Adi. "I just feel that I need to be here rather than watching them play. Isa pa, mananalo naman sila kahit wala ako hahaha." Sabi pa ni Yuen.

"Hindi ka nanood??" Tanong pa rin ni Adi.

"Hindi nga, kulet. Edi sana wala ako ngayon dito sa harap mo." Sagot ni Yuen.

"Tshh, hindi mo naman kailangang gawin yon." Sagot ni Adi at nagsalubong naman ang kilay ni Yuen.

"Anak ng?? Ikaw na nga tinutulungan, ikaw pa nag iinarte. Wag ka mag alala di ko naman ugaling manumbat." Inis pang sambit niya. Nag iwas naman ng paningin si Adi at napatingin doon sa may table sa may gilid nya.

"Did you really cook that for me??" Tanong pa nito at napatingin din si Yuen doon.

"Ah yeah, dinamihan ko na rin ng gulay para mabilis kang makarecover tapos after mo kainin yan ay inumin mo rin yung gamot na binili ko para mabilis bumaba ang lagnat mo. Finals nyo na bukas, need mo gumaling agad." Sabi pa ni Yuen at tinignan naman sya ni Adi.

"What you did are... di ka nanood ng laro nila Ace just to be here, buy me medicine and cook something for me??" Pag uulit ni Adi at tumango-tango naman si Yuen.

"Nadali mo!" Sagot niya.

"Tshh, why??" Tanong pa rin ni Adi.

"Tsk bakit pa panay ka tanong ng bakit, why, blah blah blah. Hindi ba pwedeng i'm just concerned??" Tanong ni Yuen at di naman nakasagot si Adi.

Kinalaunan ay tumunghay ang tipid na ngiti nito.

"Salamat." Seryosong sambit pa ni Adi.

Yun naman pala eh, ayaw na lang mag pasalamat agad kanina. Talagang itatanong pa kung anong dahilan kaya ginagawa ko to.

"Kumain ka na, kahapon ka pa ata walang kain." Sabi pa ni Yuen at marahan namang kumilos din si Adi at umupo malapit sa may table sa gilid.

"Sya nga pala, may gusto rin akong itanong. Actually kahapon ko pa sana gustong itanong kaso nga di ko naman alam na kahapon ka pa pala ganyan." Sabi pa ni Yuen.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon