🦋
Sakay ng kotse kasama si Adi ay muli na namang napuntahan ni Yuen ang bahay na minsan na rin nyang napuntahan noon, bahay ng Daddy nya. Meron silang family dinner kung saan sinama mismo si Yuen ng nobyo para ipakilala na rin ito sa pamilya.
Nakapunta naman na ako noon pero di ko maiwasang kabahan pa rin...
"We're here." Dinig nyang salita ni Adi at tanaw na nga nya yung mismong gate. Napangiti naman si Yuen na napatingin sa nobyo.
"You remember na ganto rin eksena natin nung una akong nakapunta noon dito?? Pinagkaiba lang ay birthday ni Ace yon tapos iba pang car gamit mo, babe." Salita ni Yuen.
"Oh really? I didn't remember." Sagot nito.
"Talagang di mo maaalala eh di mo nga ko pinapansin nun." Si Yuen at bahagya naman itong natawa.
"I'm sorry babe, my bad." Sabi nito saka tinulungan syang tanggalin ang seatbelt.
Nyenye alam nya kasing binanggit ko yung kapatid nya eh.
"Pero tingin mo ano magiging reaction ng family mo especially your Dad? Ilang beses na nya akong nameet at iba-iba pang eksena, nahihiya na ako." Di mapigilang alala na usal ni Yuen kaya nag angat naman ng tingin si Adi sa kanya.
Hinawakan muna sya sa baba.
"No worries, I'm here. Maybe he's little bit shock to know but he will understand. Akong bahala." Sagot nito at nagkibit balikat na lang si Yuen.
"Okay, ikaw bahala ah??" Si Yuen.
"Of course, my love." Sagot nito na tinungko pa ang ilong nya saka nagpaunang lumabas para pagbuksan ng pinto si Yuen.
~~~~~~~~~~~~~~~
Pagdating sa loob ay mas lalong kinabahan si Yuen dahil sure syang kilalang-kilala na sya ng Daddy ni Adi. Lalo na sa kasalanan nito noon nung pumasok sya sa skwelahan nito kahit bawal. Napahawak naman maigi si Yuen sa kamay ni Adi dahil sa kaba.
Pagpasok ng gate ay tanaw na ni Yuen doon sa may bandang pinto ang mommy ni Ace na nakangiti habang nakatingin sa may gawi nila, bagamat wala pa roon ang daddy nya ay kabado pa rin si Yuen. Nang makalapit ay lumapit muna si Adi para makipagbeso rito ganon din si Yuen.
"My girlfriend, tita." Sabi pa ni Adi na nilahad pa si Yuen.
"K-kamusta po." Ani ni Yuen at nakangiti naman sya nitong binati.
"Mabuti lang iha, I'm glad nakarating si Adison for our family dinner. Besides I didn't expect na makikilala ko now ang girlfriend nya. Your father will be happy pag nalaman nya." Baling pa nito kay Adi at napatingin na lang si Yuen sa nobyo.
"Where's Dad, tita?" Tanong naman ni Adi.
"Oh he's upstairs may kinausap sa telepono pero bababa na rin iyon." Sagot nito.
"Uh how about Ace? Is he here??" Tanong pa ni Adi.
"Umalis sya but he said makakaabot naman sya sa family dinner, anyways kilala na ba ni Ace ang girlfriend mo??" Tanong pa nito at nagkatinginan naman ang dalawa.
"Uhmm actually po..." Usal pa ni Yuen.
Hindi na ba ako nakikilala ng mommy ni Ace?? Nagkakilala na rin naman kami noong birthday ni Ace nung pumunta ako... Maybe because of what I look now.
"Ahh ano po kasi... Friend ko na rin po si Ace matagal na and I'm sure na kilala nya po ako." Sagot ni Yuen.
"Oh really?? Well that's good! Anyways magkikita-kita naman kayo muli maya-maya sa loob." Masayang sagot pa nito at ngiti na lang ang naisagot ni Yuen.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...