35

10 2 0
                                    

Kinabukasan ay nasa booth na si Yuen at muli ay nag aasikaso ng mga nasa entrance. Ramdam ni yuen ang hirap at pagod dahil sa loob ng 1 linggo ay ngayong friday ang pinakamaraming tao tipong ang haba ng pila kaya di naman sya magkaundagaga, di na nakapagtataka dahil ngayon ang araw ng Finals.

Hindi na nacheck ni Yuen si Adi kaninang umaga dahil maaga sya umalis at alam nyang tulog pa iyon, pero di naman sya nagkulang sa pag papaalala na ngayon ang finals nila. Medyo okay naman na ang kalagayan ni Adi, pinainom ulit ito ni Yuen ng gamot after ng dinner na yon at umaasang ngayong araw ay maayos na ang kalagayan nito at kaya nang maglaro.

Huhu hindi naman kaya ay mabinat yon??

Wag naman sanaaa!

"Ano oras laban mamaya??" Tanong ni Yuen kay Pj.

"Alas 3 ata. Inurong ng isang oras." Sagot ni Pj.

Yun! Thank God!

"Sana lang talaga makaabot tayo, dami ng mga to oh. Puno pa nga ata yung court. Wala rin tayong mape-pwestuhan." Dagdag pa nito.

"Ha? Kaya yan, bilisan lang natin kumilos." Sagot ni Yuen.

"Lugi tayong laging pang umaga eh kesa sa mga nakatoka ng panghapon. Mas maraming pumupunta ng gantong oras." Hirit pa rin ni Pj.

"Wala eh haha, di bale pag alas 12 ng tanghali sila na yung patokahin natin." Sagot ni Yuen.

"Lagi ngang late pumunta yung mga yon kaya ang ending mga ala 1 na tayo natatapos." Sagot ni Pj.

"May number ka ba nila?? Text mo, sabihin mo once na na-late sila lalo na ngayong finals ay matik tatanggalin ko sila." Sabi pa ni Yuen.

"Parang di naman matatakot yung mga yon." Sagot ni Pj.

Di matatakot?? Sino ba sila sa akala nila??

"Ganun ba edi... Ahh ano... S-s-susumbong ko sila ulit kay Adi." Utal pang sambit ni Yuen at napatingin naman si Pj sa kanya. Hanggang sa natawa ito...

Sinabi ko lang yung kay Adi as pananakot, pero di ko yun gagawin ha.

"Hahaha" Tawa pa ni Pj.

"Anong nakakatawa?? H-hindi naman totoo yung sinabi ko. Pananakot lang yon." Sabi pa ni Yuen at iiling-iling naman si Pj.

"Wala natawa lang ako hahaha, kasi alam mo talagang si Adison ang kahinaan ng mga students dito." Sabi ni Pj at natigilan naman si Yuen.

Kahinaan? Ba't naman? Dahil ba sa sabi-sabing maraming takot kay adi dahil may fraternity at gangster ito??

Tskkk mga tao talaga hilig magpaniwala sa mga bagay na wala namang katotohanan.

"Ahh basta, gawin mong panakot sa kanila yan. Tignan natin, ayaw naman siguro nila na mangyari sa kanila kung ano man yung nangyari sa leader natin last time." Sagot pa ni Yuen.

"Pero totoo ngang nagsumbong ka din kay Adi last time??" Nakangisi pang tanong ni Pj.

"Tsk, hindi nga diba. Hindi sumbong yon at di ko nga alam na ginawa nya yon tsaka never naman ako nagsumbong, kung gagawin ko man eh yon yung napipilitan na lang talaga ako lalo na kung di ko na makontrol yung sitwasyon." Sagot ni Yuen.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon