65

8 1 0
                                    

Nasa hospital pa rin sila Yuen kasama ang pinsan nito at umalis muna saglit ang tita nya kasama ang isa pa nitong anak para bumili raw muna ng meryenda.

Naghuhugas naman si Wendy ng gagamitin nilang plates, cups at utensils para mamaya. Si Yuen naman ay tahimik lang pero deep inside ay puno sya ng iniisip at pag aalala.

Ano kayang nangyari kay Adi?? Kay Ace??

Ayos lang ba sila???

Yung grupo ni Gab, ano nang nangyari sa mga hayop na yon??! Dapat kinukulong yun eh!

"Psst oyy." Natigilan naman si Yuen sa pag iisip nang pukawin ni Wendy ang atensyon nya.

"Umamin ka nga??" Tanong pa nito na kinataka nya.

"Umamin saan??" Tanong din ni Yuen pero kinakabahan na sya.

"Ano ba talagang nangyari?? Sino ba yung naghatid sayo dito sa hospital, sabi ng tinanungan namin lalaki raw--boyfriend mo ba yun????" Tanong pa nito na kinagulat nya.

"A-anong boyfriend?? Wala akong boyfriend." Sagot agad nya.

"Eh sino yun??" Tanong pa nito.

Sino nga ba talaga yun??? Si Adi ba?? Si Ace?? Oh sino man??

"D-di ko rin alam eh... Ahh may natanungan ka ba na like... Kung ano itsura??" Si Yuen.

"Ayon sa natanungan namin... Sabi ng guard may dumating daw na tingin nya ay studyante rin dala ka na walang malay saka ka pinasok sa emergency room." Sagot naman nito. "Tsaka tulad nga ng sinabi ko, may nagtext lang sa aming number--wait pakita ko." Sabi pa ni Wendy at hinanap pa ang phone sa bag.

Studyante?? So posible nga talagang isa kay Ace at Adi ang nagdala sakin dito??

"Here." Sabi pa ni Wendy sabay pakita ng message sa phone nya na tinignan rin ni Yuen.

(Stella is in Don Jaime General Hospital)

Kasabay nun ang pagkunot ng noo ni Yuen habang binabasa iyon.

Bakit itong pangalan ko na to ang nakalagay?!

Hindi nila alam tong pangalan kong to, ibig sabihin wala sa kanila?? Pero sino???

Doon mas kinabahan si Yuen dahil kung ibang tao nga ang nagdala sa kanya ay posibleng hindi rin maganda ang kondisyon ng magkapatid.

"Wendy, kailangan ko nang lumabas." Wala sa sariling sambit ni Yuen at binawi naman ni Wendy ang phone nya.

"Ano?! Sa kondisyon mong yan??" Taas kilay pang sabi nito.

"Pero okay naman na ako eh, promise. Please tulungan mo ko." Sabi pa ni Yuen at nag iwas naman ng tingin si Wendy na naglakad patungo sa bag nya.

"Akala mo ba di ako aware sa mga pinaggagagawa mo??" Sambit pa nito at natigilan naman si Yuen. "Matagal ko nang alam na di ka nagsasabi ng totoo, Elay. You're not even studying in St. Mary dahil wala namang ganong school dito sa Laguna. Now tell me, ano nga ba ginagawa mo sa buhay mo??" Tanong pa nito at base sa reaction nito ay talagang seryoso sya. Napaawang naman si Yuen at di alam kung sasagutin ang tanong na iyon ni Wendy.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon