Di naman makapagsalita agad si Yuen, doon unti-unting nag si-sink in sa kanya na nangyari na nga ang ayaw nya dapat mangyari.
"Stella, is that really you??" Tanong pa nito sa kanya.
Naging mailap naman bigla si Yuen na napatingin sa paligid dahil baka may makarinig. Mabilis na hinila nya ang lalaki sa may gilid ng poste upang walang makakita sa kanila.
"What are you doing here??" Seryosong tanong ni Yuen na kinataka naman nito.
"What am I doing here? Of course maglalaro, may laban kami sa basketball at ang school na to ang kalaban namin sa finals." Sagot nito at doon nga napansin ni Yuen na naka jersey ito katulad sa suot ng mga nakita nila ni Adi kanina.
Kung ganon ay tama nga ako, ibig sabihin sila nga talaga yon??
Ibig sabihin bago pa yung finals ay nakapaglaro na sila nakaraan?? Bat di ko man lang alam??
Doon nga nya natandaan na di nga pala sya nanonood ng basketball pag walang laro yung mismong school nila.
"How about you, anong ginagawa mo dito sa??" Sabi pa nito na tumingin sa Boy's Comfort Room.
"Ah, naligaw lang! Ah... Ano--hinahanap ko yung CR pambabae k-kaya nga lumabas ako agad kasi panlalaki pala napasukan ko kaya nagkabanggaan tayo." Pahina nang pahina na pagdadahilan nya pa.
Shet shet shet!
Wrong person at a wrong time and place?!!
Jusko! Sa dinami-dami ng lugar ay dito pa talaga nagtagpo ulit!
"And... Why are you wearing like that??" Tanong pa nito at nabalik naman sa tuliro si Yuen na napatingin pa sa kabuuan nya.
"Ba't?? Anong meron sa suot ko??" Takang tanong nya.
"Ahh... I didn't know you have that kind of fashion. All I know is feminine ka at hindi nananamit ng ganyan. You even cut your hair shorter." Sabi pa nito.
Ang dami namang napapansin nito.
Di ko rin naman sya masisisi dahil kilala naman nya talaga ako.
"Ha... Ah wala naangasan lang ako. L-like you know?? B-boyish para maiba." Pagdadahilan nya pa.
Maya-maya naman ay napangiti ito.
"It's been a while stella, kamusta ka na??" Tanong pa nito at bahagya namang natigilan si Yuen. Nagbaba naman sya saglit ng paningin na animo'y kumuha ng lakas bago magsalita.
Okay self kalma, wala na tayong magagawa dahil nandito na tayo sa sitwasyon. Harapin na lang natin.
"Y-yeah... It's been a while, D-dwight. Ahh I'm good yeah, i'm good." Sambit nya. Mukhang di naman alam nito na dito nag aaral si Yuen kaya ganito ang pananamit. "Actually n-narinig ko na nga na... na Saint Thomas pala ang makakalaban ng school nam---I mean yung maglalaban ngayon, you're still a varsity player pa rin pala there." Dagdag pa nya and napangiti naman ito muli.
"Yeah, walang pinagbago, how about you? Saan ka na nag aaral ngayon??" Tanong pa ni Dwight at kinabahan naman si Yuen.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na dito ako nag aaral malamang!!
"Ahh s-sa... sa-" Nangangapa pang sagot nya.
Anong sasabihin ko??
"--Sa St. Mary! Yeah, doon." Pag iimbento nya ng name ng school.
"St. Mary?? Never heard that before." Tanong pa ng lalaki.
"I-it's p-private kasi kaya di masyado kilala." reason nya pa.
BINABASA MO ANG
HER
RomanceStella Yuen Ricablanca has a crush on a man name Ace Damian Montereal na nag aaral sa isang All boys school. Stella admire him so much na umabot sa puntong doon na rin sya nag aaral. She changed her personality and look as a man pero deep inside ang...