THREE

1.1K 40 4
                                    

"Ceasar salad and fish fillet, drink, avocado juice sa akin, hubby. Ikaw?"

"Steak, medium rare," I ordered. "Avocado juice as well," I added.

"1 Caesar salad, 1 fish fillet, 1 steak medium rare, 2 avocado juice, right sir?" tanong ng waiter.

"Yes."

"Thirty minutes, sir."

"OK."

When the waiter left, ay nagpaalam si Lauren na magbabanyo. I was calmly sitting here with Kiki, waiting for her to return, when I heard a commotion at my back. Nang mapalingon ako ay nakita ko ang isang pamilya na masayang nagtatawanan nang dumating na ang order nila.

I am not judgmental. But based on their looks, I can say that they came from a third-class society. Mga simpleng mamamayan kung tawagin. It is not an issue for me, kung papasok sila sa ganitong lugar. But I am thinking that maybe they have an important event na talagang pinaghandaan nila, because this place is quite expensive.

"Hala ang dami naman nito, tay, bakit ang dami niyong inorder?" A man the same age asked his father. "Ang mahal pa naman dito," he added.

"Naku, anak, pinaghandaan ko talaga ito at pinag-ipunan para sa'yo. Kulang pa nga ang mga 'yan bilang selebrasyon ngayon na isa ka nang ganap na guro." The father said.

Guro? A teacher?

The father messed his son's hair. "May anak na akong titser, ang saya saya ng puso ko, na hindi nasayang ang pagsisikap ko," he added. At talagang makikita sa mukha niya kung gaano siya ka proud na tatay sa anak niya.

"Para po talaga sa inyo iyon itay, at para sa pangarap kong makapagturo. Salamat sa suporta, Tay, Nay. Salamat sa inyo at sa pagtaguyod niyo, pangako hindi ko kayo bibiguin at ituturo ko sa iba ang mga kaalaman na natutunan ko."

"Naku, proud kaming lahat sa iyo, anak. Na hala, tayo'y kumain na at lalamig na ang pagkain." An elderly woman said.

Sabay na umupo ang mag-ama na parehong nakangiti.

"Congratulations, anak. Anak kong titser," the father proudly said.

"Congrats, bro."

"Congrats, kuya."

While looking at them, ay hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait.

Teacher, fuck. Kung bakit sa dami nang pwede kung masaksihan ngayon ay iyong magdadala pa sa akin ng alaala. Ala-ala ng kabiguan.

"You will stop taking that course. Tomorrow Dane will help you to shift into engineering."

I did not answer to what Daddy said. Ayokong maging engineer o pumasok sa engineering field. Gusto kong maging guro. Gusto kong magturo sa mga bata, mag-explain kung ano ang dapat nilang gawin.

Gusto kong magpaliwanag sa mga dapat nilang matutunan. Step by step. Gusto kong mapabilang sa mga taong humuhubog sa kaalaman ng isang bata. Maging isa sa mga una nilang gabay. Maging isa sa unang nagturo sa kanila ng mga dapat nilang matutunan.

"Do you hear me?"

I looked at mom, who stands beside dad. I want to ask her to help me convince dad na huwag akong mag-shift. If they want, I can do both. Kaya ko at kakayanin ko. Wala akong hindi kakayanin kung para sa kagustuhan kong maging guro.

"Dwayne, your dad is waiting for your answer."

"But I want to be a teacher, mom."

But Dad is the one who spoke. "Teacher? For what? So you can be like..."

"Damian."

"No, you will never be a teacher, Dwayne Dale. You will never be. PERIOD."

"Hubby!"

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon