THIRTY-EIGHT

1.1K 47 4
                                    

"This is a big scandal. This is not the right time for the annulment. Kapag lumabas ito sa publiko ay maraming madadamay at masisira," dad said while holding the bridge of his nose. "You're putting us to shame. What if Lauren does something and ruins our reputation in public? She's a celebrity with a huge fandom; she can have people's sympathy. Her impact on the public was undeniable."

We are here in dad's office inside the mansion. Nakarating kasi sa kanya na nag-file ako ng annulment, kaya pinatawag niya kaming magkakapatid. Nandito sina Dane, Dave, at Dylan. I don't know why they need to be here. This is my only issue, and no one can fix it but me.

"Hindi ba pwedeng pag-usapan muna ang lahat, Dwayne?" mom asked.

"Umamin na si Lauren na mahal niya ako, Mom," I answered.

"So, what's the issue? Isn't it good kung matutuloy ang relasyon niyo?" Dylan asked. "It's still a win-win. Walang mawawala sa'yo, walang mawawala sa kanya. Mahal ka niya, eh, 'di mahalin mo rin. Well, obviously, you already loved her."

"I can't give her the love she wants. I don't love her," baleng ko sa kanya.

"In-denial amputa," he replied. "Obvious na obvious na nga ayaw pa umamin."

"What is this all about, Dwayne? I thought you're OK." Dad asked. "You said you already moved on with Carmona. You forgave her."

"I am, but not with what I did to someone." Napayuko ako ng sabihin ko iyon. "You know what I mean." I heard Daddy gasp.

"Maliit na bagay pinapalaki mo, Dwayne. Hindi ka nag-iisip sa magiging kalalabasan sa lahat ng ito. You will put us in a shameful situation if ever Lauren takes some action. You're a big disappointment."

"Disappointment ba ang pag-ayaw ko na ituloy ang kasunduan para sa ikabubuti ni Lauren? This is not only about me, but for her also. This is for the best of her."

"This is not the right time. Hindi mo ba naintindihan? Hindi pa pasok sa giving period ng daddy niya ang annulment niyo. May mga nakabinbin na investors ang daddy niya na nakadepende sa atin. Kapag lumabas ang annulment issue, aalis ang mga investors nila, malaki ang mawawala sa mga Del Fuego. Naintindihan mo ba 'yon? Not us, but them," Dad explained.

"But you can help explain to the investors that our issues were different from the business. Na hindi lang tungkol sa Del Fuego ang negosyo kundi sa mga Dy rin. They're dealing with us too, because we are on Del Fuego's side."

"Bakit ba kasi pinipilit mo ang sa'yo? Limang taon lang ang hinihingi namin. Nakadalawang taon kayo." May inis na ang boses niya.

"I never said no to you, dad." Ngumiti ako ng mapakla habang napapailing. "I always said yes to everything you said because I didn't want to disappoint you. I never ask. I always go with the flow. Pero bakit ngayon na gusto ko lang sundin ang gusto parang wala pa rin akong nagawang tama sa buong buhay ko? Disappointment na agad ako. Higit sa lahat, hindi pa rin ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko."

"Dwayne Dale, anak, what your dad wants to..." Mom said, but I interfered.

"Bakit parang naging sunod-sunoran ako dahil sa isang pagkakamali na matagal ko nang pinagsisihan? Sa isang pagkakamaling bunga ng kasalanan ng iba sa akin."

"Dwayne Dale..."

"Ganoon ba kahirap kalimutan ang nagawa ko? Ganoon ba kabigat na dapat gusto niyo lang ang nasusunod at hindi ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko. Bakit lagi niyo pa ring nakikita ang isang pagkakamali kong matagal ko nang pinagsisihan?"

"Hindi mo kami naintindihan. Tinanong kita sa kasunduang ito at pumayag ka. Hindi kita pinilit," dad insisted.

"Ayoko na, gusto ko nang kumawala. Bakit hindi niyo iyon maintindihan?"

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon