Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako. Hahawakan ko sana ito nang napansin kong parang may tali ang kamay ko. Nang tingnan ko ang kamay ko ay nakita kong may posas na nakakabit sa higaan ko. I tried to remove my hand, pero hindi ako makawala.
'What the fuck?'
Pilit kong inalala ang nangyari kung bakit ako nandito sa ospital. Kung ano ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. And I remembered that someone hits me, pero hindi ko kilala kung sino. But before that..."Fuck." Napamura ako nang maalala ko ang nangyari.
May kasunduan kami na magkikita ni Carmona sa Isa Beach. At nang dumating ako roon ay may nakita akong katawan na nakalutang sa tubig. And I am sure it was Carmona because of her leg.
Where was she, and what happened to her? Was she safe?The door opened, and a nurse came in. Nang makita niyang gising na ako ay lumabas ulit siya at hindi na pumasok. Bumukas ulit ang pintuan at saka pumasok ang dalawang lalaki. Sa tingin ko ay mga pulis sila base sa porma nila.
"Mr. Dwayne Dale Dy?"
"Yes."
Nagtanguan ang dalawang pulis saka tumingin sa akin. Lumapit din sila sa akin at tumayo sa gilid ng higaan ko.
"Ano'ng ibig sabihin nito?" tanong ko patukoy sa posas na nakakabit sa akin.
"Kumalma po kayo, sir, pinosasan po namin kayo dahil inaaresto namin kayo sa salang pagpatay kay Carmona Dela Vega. May karapatan po kayong kumuha ng abogado. Pansalamtala ay pwede kayong manahimik, ang anumang sasabihin ninyo ay maaring magamit laban sa inyo."
Para akong binuhusan ng malaming na tubig dahil sa sinabi niya. Not because I am a suspect but because of what he said... "Are you saying that Carmona is... died?"
"Yes, sir."
"Oh, God." Napasandal ako sa headboard ng kama. Ayaw mag sink in sa isip ko ang sinabi niya.
"And she murdered?" tanong ko ulit, at nagtinginan sila.
"Yes, sir."
What the fuck? Sinong may lakas ng loob ang gagawa sa kanya noon? Mayroon bang may galit sa kanya para gawin iyon sa kanya? Hindi na siya naawa sa sitwasyon ni Carmona.
"Do you have any suspects?"
'Oh, fuck you, Dale, malamang ikaw. Kaya ka nga nakaposas, 'di ba?'
"Hinihintay lang po namin ang abogado mo at ang ama mo, sir. May kasunduan kaming hindi ka pwedeng magsalita at hindi ka namin i-interogate regarding sa nangyari hangga't wala sila rito. Papunta na po sila."
Habang hinihintay sina daddy ay hindi mawala sa isip ko si Carmona. Sino ang gagawa sa kanya noon? Ano'ng kasalanan niya at bakit iyon nangyari sa kanya. Nalunod ba siya? No, imposible; may pumatay sa kanya at siya...ang humampas sa akin. Siguro para ako ang mapagbintangan.
Does someone want to frame me? Iyon ba? Pero sino?"Sorry, we're late." Dylan's lawyer apologised. Nandito rin siya at si daddy. "Shall we start?"
Dylan and Dad sat a little far from me. The lawyer with the two investigators sat in front of me. Lahat ng tanong nila ay sinagot ko. Kinwento ko rin sa kanila paano ako nagpunta roon at ang usapan namin ni Carmona. Lahat ng sinabi ko ay sinulat nila. Detalyado ang bawat statement ko, at talaga binigay ko ang lahat ng detalye simula sa una hanggang sa mawalan ako ng malay.
"Sinasabi mong magkikita kayo dapat ni Carmona. Tumawag siya sa'yo pero hindi ka niya nakausap dahil walang sumasagot sa kabila, pero nag-text siya at sinabi niyang nasa Isa beach na siya kaya doon ka pumunta?"
"Yeah," I answered.
"Sa cellphone niya, walang outgoing call si Carmona sa'yo. Ikaw ang may incoming call sa kanya. Ibig sabihin, ikaw ang tumawag sa kanya."
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest Scar
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 Pumayag si Dwayne na makasal kay Lauren Del Fuego upang mapag-isa ang kompanya ng kanilang pamilya. Sa kanilang pagsasama, naging magkaibigan sila at ginampanan ang mga pangangailangan sa kama. Pero malinaw ang usa...