FORTY-FIVE

849 33 2
                                    

I am on my way to Tita Laura's house. I prefer to meet Carmona than to go to the the hospital and stay with Lauren and Hendrick. Naiinis na nasasaktan lang ako sa nakikita ko sa kanila, lalo na kapag sweet silang dalawa. Nagkakasala lang ako sa isip ko dahil nachop-chop ko ang pabibong bida-bida.

Wala akong ibang mapuntahan at ayoko rin magpunta kung saan-saan. Gusto ko sanang magpasama kay Dylan, kaso baka pang-iinis lang ang gagawin noon sa akin. I know this is not the right thing to do, but I need someone that I can talk to right now. Ayoko rin kausap ang pamilya ko dahil hindi nila ako maiintindihan. And Carmona was my only option because I knew that she would listen and understand me.

I hate this fucking situation. Kung kailan akala ko ay OK na ang lahat ay bigla naman mangyayari ang ganito.

I saw her beside the pool. Wala siyang kasama at nakaupo siya sa wheelchair niya habang may tinitingnan. And I will assume that it's our picture na minsan na rin niyang naipakita sa akin.

Alam kong mali ito. Una dahil mahal niya ako at pangalawa ay dahil lalabas na gagamitin ko lang siya. Pero wala kong ibang mapuntahan ngayon kundi siya lang.

"Hey, what are you doing here?"

Sinalubong niya agad ako habang nakapindot sa wheelchair nang makita ako sa labas ng gate. Kaya niyang paandarin mag-isa ang wheelchair kahit walang alalay.

"Are you busy?"

"No, come." Pumasok ako at tumayo sa likuran niya. Hinawakan ko ang wheelchair saka tinulak para hindi na siya pumindot. "Bakit ka pala nandito?" Tanong niya sa akin habang tulak-tulak ko siya.

"I need someone I can talk to. Ikaw ang una kong naisip na puntahan."

"Sa garden tayo," she said, kaya sa garden ko siya dinala. I place her next to one chair at doon na rin ako umupo sa tabi ng wheelchair niya. "Dale." Hinawakan niya ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya.

"I just need someone. Ayoko sa ospital dahil na-a-out of place ako roon. Wala rin akong ibang maasahan na kaibigan at sa pamilya, kaya ikaw lang ang naisip ko."

"I'm glad na naisip mo ako."

Carmona and Lauren were OK. Nagkita na sila at nag-iyakan pa sila dahil awang-awa si Lauren sa sitwasyon ni Carmona. Lauren doesn't remember about us, kaya hindi niya rin maalala na galit siya Carmona. A good thing, I guess.

"Kailan siya makakalabas?" Tanong niya sa akin.

"Tomorrow or next day, pero si Hendrick ang susundo sa kanya."

"At saan siya uuwi?"

"Sa akin."

"Good, because she's your wife, kaya dapat lang na sa iyo siya uuwi."

I gave a loud sigh and bowed. Wala akong maisip na sasabihin.

"Dale, maalala ka rin niya." Bumuntong-hininga lang ulit ako dahil sa sinabi niya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at marahang pinisil. "Everything will be OK."

"I miss her so damn much." Nilagay niya ang kamay niya sa likod ko, habang panay ang buntong hininga ko. "Bakit kasi sa dami ng pwede niyang makalimutan ay ako pa?"

"There's a reason for everything."

"Ang masaktan ako?" Tanong ko saka tumingin sa kanya. "Iyon ba?"

"I don't know. But I know God has His reason."

"Ang saktan ako ng paulit-ulit."

"Dale."

"Bakit lagi akong nasasaktan at naiiwanan?"

I can't help myself. I don't know what happened to me right now, and I hate it.

"Dale, calm down."

"Iniwan mo ako, sinaktan ako ni Lindsay at ngayon na akala ko magiging masaya na ako ay ito naman ang nangyari. Bakit? Hindi ba ako deserving na mahalin at pahalagahan?"

"Dale, hindi 'yan totoo. You're worth it, love."

"Minahal kita. Kahit alam kong mali at alam ko na hindi pwede, pero alam ko minahal din kita. Nangako kang hindi mo ako iiwan, pero bakit ka nawala? Bakit hinayaan mo akong mangapa mag-isa sa mga nangyayari sa akin."

I know I am stupid, but it's true. Minahal ko si Carmona noon, o kung pagmamahal man ang tawag doon. Pero sa nangyari sa amin, at sa pagkawala niya, isama pa ang tinatak nila sa isip ko na mali ang ginawa namin ay pinaniwala ko ang sarili kong si Lindsay ang una kong minahal. At pinairal ko ang galit ko kay Carmona, dahil iyon ang paulit-ulit kong naririnig. Galit na hindi naman talaga dahil sa ginawa niya sa akin kundi galit dahil sa pagkawala niya. Takot hindi dahil inalipin niya ako, kundi takot dahil baka mapalapit ulit ako sa kanya at bigla na naman siyang mawala.

"Dale, I am sorry."

"Pinaniwala mo akong hindi ako iiwan; pinaniwala mo akong nandyan ka para sa akin. Na kahit anong mangyari hindi ka mawawala. Na bukod sa ginagawa nating 'yon ay nandyan ka para alalayan ako. But why? Why did you leave me?"

"You know the reason, and I admit it was my mistake. Hindi ko dapat ginawa iyon at pagkatapos ay mawawala na lang. Pero kung nabigyan ako ng pagkakataon na itama ang mali ko. I will stay with you and guide you. I am sorry. Bata ka pa noon, at iyon ang mali."

"I need you that time. Nangapa akong mag-isa nang mawala ka. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinanay mo akong nandyan ka at sa isang iglap naglaho ka na parang bula."

"Dale, I'm sorry. I am sorry if I leave you."

"I did not accept sorry." I pulled her and held her face. I was about to kiss her when she pushed me.

"Dale!" I looked at her. Iniiwasan niyang halikan ko siya labi.

"Why? You said you loved me? Then let me kiss you."

"Stop it, Dale."

"You lied. You lied when you said you loved me."

"That's not true. I do; I really love you, but..."

"Then kiss me. Let me kiss you."

"Dale, stop."

"Why? Bakit ayaw mong halikan kita? You told me not to kiss anyone on the lips because when you kiss them, they will own you. You will give them the authority to dominate you. Now kiss me, and I am willing to be your submissive again. Own me and tell me what to do, and I will follow you."

"Dale." She held my hand. Next, my face. "Listen to me. I am sorry for making you a beast. For feeding you malicious and wrong info. Ayokong halikan ka o ayokong humalik ka kani-kanino dahil gusto ko pagdating ng araw ang babaeng mamahalin mo lang hahalikan mo sa labi. I am sorry. Nawala ako kaya lahat ng mga mali kong tinatak sa isip mo ay hindi ko naipaliwanag ng maayos sa'yo. Hindi ko naitama ang mga maling paniniwala mo. Forgive me."

Sinandal ko ang likod ko sa upuan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Gusto ko magwala at mainis. Gusto ko na nga pumatay at mamatay na lang. Nasasaktan ako sa maraming dahilan at it's all started because of what happened to Lauren. Dahil hindi niya ako maalala. At ang masaklap OK na ulit sila ng gagong 'yon.

"Dale, I know you're sad. I know you're hurt, but I believe that she will remember you."

"I'm sorry, hindi ko dapat pinapakita sa'yo 'to. Hindi dapat ako nandito."

"No worries, I understand. Dito man lang ay makabawi ako sa'yo. May makakaintindi sa'yo at handang makinig sa'yo." Then she tapped my hand. "Everything will be alright."

"Thank you for listening." She smiled at me.

"I am a friend. Hindi na ako umaasang makasama ka pero gusto kong malaman mo na hanggang sa huli ay mamahalin kita. Masaya na ako roon. Masaya na akong OK na tayo. Wala na akong mahihiling at kontento na ako."

I stood up and hugged her. I closed my eyes and felt her embrace, and somehow I felt OK while she tapped my back slowly.

"I will be a good friend until the end, Dale. I will treasure you forever in my heart."

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon