FORTY-THREE

861 42 7
                                    

Nanginginig ang buo kong katawan habang naglalakad sa hallway ng ospital. Pakiramdam ko, sa bawat hakbang ko ay hindi nakalapat ang paa ko sa lupa. Para akong lumulutang sa ere at wala sa sarili. Malakas ang kabog ng dibdib ko at parang nauubusan ako ng hangin. Hindi ako makahinga sa takot.

Kanina habang kausap ko si Hendrick at sinabi niyang wala na si Lauren ay hindi ko alam ang gagawin ko. Tulala ako, at hindi ko alam ang gagawin. Akala ko hihimatayin na ako sa hindi maipaliwanag na sa sakit. Hanggang sa marinig ko sa kabilang linya na nire-revive raw ulit ang pasyente. Nang marinig ako ang pagtunog ng makina na palatandaan na na-revive ang pasyente ay hindi ko na pinatapos ang usapan namin at pinatay ko na agad. Nagmadali agad ako na papunta rito sa ospital.

Naabutan ko si Hendrick na kinakausap ng mga pulis at kasama rin niya ang manager niya. May benda siya sa ulo at pati na rin sa kamay ay may support. May mga gasgas rin siya sa ibang parte ng kamay at maraming dugo sa damit niya.

Agad akong lumapit sa kanila at sabay-sabay silang napalingon sa akin. May doctor din silang kasama na kinakausap ng mga imbestigador.

"Mr. Dy," bati sa akin ng pulis, pero hindi ko siya pinansin.

"How's my wife?" tanong ko sa doktor.

"For now, sir, she's out of danger. Pero hangga't hindi siya nagigising ay hindi pa natin alam kung ano ang damage sa kanya ng aksidente."

Binalingan ko agad si Hendrick matapos makakuha ng sagot sa doktor. "Anong nangyari?" Tiim-bagang kung tanong. Isang maling sagot lang nito at bibingo sa akin ito kahit pa sa harap ng mga pulis.

"Mr. Dy..."

"Hindi kayo ang kausap ko," putol ko sasabihin ng mga pulis. "Kung tapos na kayong mag-imbestiga, ay pwede na kayong umalis."

"Kailangan lang po namin ng konting impormasyon sa inyo, Mr. Dy, bilang kayo ang asawa."

"Tungkol saan?" Kunot noo kong tanong.

"Kung aware kayo na may kasamang ibang lalaki ang asawa niyo? For investigation lang po, sir."

Sinamaan ko siya ng tingin at saka hinarap. "Alam ko ang lahat ng galaw ng asawa ko. Kung sinasabi niyong kaya sila magkasama ni Hendrick Lee dahil may mali sa kanila, then I will tell you that nothing wrong with their friendship. Magkaibigan na sila bago pa kami kinasal. Anything?"

"Nasaan po kayo nang mangyari ang aksidente nila?"

"Are you saying na may kinalaman ako sa nangyari sa asawa ko?" Direkta kong tanong.

"Sir, pinaliwanag ko na ang nangyari," agaw ni Hendrick. "Nawalan ako ng kontrol dahil iniwasan ko ang aso. Nag-panic ako kaya binangga ko ang sasakyan sa malaking truck na nakaparada. Hindi ko inaasahan na may susulpot sa side ni Lauren kaya naging doble ang impact ng aksidente sa kanya."

"Naiintindihan ko po, Mr. Lee, pero ginagawa lang po namin ang trabaho amin."

"Tapos na ang trabaho niyo kaya makakaalis na kayo." Hendrick's manager interrupted. "Kung meron kayong gusto pang malaman, you can call our lawyer. And I guess Mr. Dy's lawyer will cooperate too." Then she looked at me.

"He will," sagot ko.

"Sige po."

Yumuko ang mga imbestigador bilang paalam at sabay na umalis. Pati ang doktor ay umalis na rin para ipaasikaso ang magiging kwarto ni Lauren.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Hendrick.

"Biglang may dumaan na aso, hindi ko nakontrol at iyon na...nagtuloy-tuloy ang lahat," he explained.

I wanted to know kung nakapag-usap na ba sila ni Lauren. Kung nasabi na ba ni Lauren ang dahilan bakit siya nakipagkita sa kanya. Kung naghiwalay na ba sila.

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon