Who would have thought that Dave has a child with another woman? Hindi lang basta other woman kundi sa stepsister pa ni ate Lileth. Ang masaklap ay nangyari ang pagkabuo ng bata nang mga panahong buhay pa si ate Lileth. Sa madaling salita ay may kabit si Dave at nagbunga ito. Until now, I couldn't believe Dave would cheat on ate Lileth.
Pero ang pagbubuntis ng kabit niya ay tinago ni Dylan. Siya pala 'yong babaeng nakita ko na kasama niya sa ospital. Hindi ko na alam kung paano niya nalaman ang tungkol doon, at wala na akong balak alamin. Basta kapag si Dylan ang sangkot, hindi ko na inaalam ang lahat.
I can't say having an illegitimate child was good or bad. Lalo na at sobrang depressed ni Dave sa pagkawala ng asawa niya to the point that he almost killed himself. Kung hindi pa dumating si Dylan ay baka nakabaon na rin siya sa lupa kasama ni ate Lileth. Party-party sana silang dalawa ngayon sa Heaven.
Ngayon ay nandito siya kasama ang anak niyang si Dustle Live, named between him and ate Lileth. Iyon ang pinangalan sa pamangkin ko ng nanay niyang si Erika, na siya ring receiver ng puso ni ate Lileth.
What a fate.
Pero sa tingin ko ay nakapag-move na rin kahit paano si Dave. Malaking bagay ang pagkakaroon niya ng anak para malampasan ang mga pinagdaanan niya. Tuwang-tuwa siya sa anak niya na sobrang kulit din mana kay Dylan.
We are here, gathering at a luxury hotel. Binyag ni King, the second child of Wallace and Dane. Nandito lahat ng anak ng mga kaibigan niya at iba pang bisita ng pamilya. Hindi ko kilala ang mga batang ito, maliban sa mga anak ni Maggie, pero dahil pamangkin ko ang may binyag ay nandito kaming mag-asawa.
Ang kukulit ng mga bata pero nakakatuwang tingnan. Lalo na si Ace at 'yong batang Agila na malapit kay Dylan. Magkasundong-magkasundo sa kalokohan at parehong inaaway si Joker. At kapag umiyak na ang anak ni Maggie ay saka aamunin ni Ace, pero 'yong Agila ay tatawa lang ng malakas. Pilyang bata, siguro naturuan ni Dylan.
Nakakaaliw panoorin ang mga kyut na mga batang ito.
"Dwayne Dale," dad called me, kaya humarap ako sa kanya.
"Yes, Dad?"
"Kailan mo kami bibigyan ng apo?"
"Lauren was not ready, dad." Diretso kong sagot.
Napagkasunduan namin ni Lauren na kapag may nagtanong tungkol sa anak ay sasabihin namin na siya ang hindi handa. Which is, I know it was unfair on her side, pero pumayag naman siya.
"Si Lauren o ikaw?"
Napatingin ako kay Dylan dahil sa sinabi niiya. Kami-kami lang nga mga lalaking Dy ang nandito kasama si Wallace.
"Si Lauren ang may ayaw, Dylan. She's not ready to have a kid, dahil ayaw niyang masira ang figure niya."
"Hindi pa siya ready sa lagay na 'yan?"
Napatingin kaming lahat kay Lauren na pinapatahan si King.
"Our own child will be different from others, Dylan. Bukod sa ikasisira iyon ng katawan niya, ay iba pa rin ang sariling anak kaysa nakikihawak ka lang paminsan-minsan."
"Sabi mo, eh," he added.
"You have to convince her, Dale, kahit isa lang. Kung pwede nga lang sundan si Dustle ay gagawin namin. Ang kaso ay baka hindi na kayanin ng katawan ni Erika. I don't want to put her at risk," Dave said.
"Masaya may anak, Dale," segunda ni Wallace. "Worth it lahat ng pagod mo sa maghapon kung sa pag-uwi mo ay may sasalubong sa'yong chikiting na kahit nagkakandabulol-bulol ay panay pa rin ang kwento."
"Huwag niyong pilitin at baka dumugo," Dylan said.
"I will try."
Wala na nagsalita sa amin tungkol sa anak-anak na iyan.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest Scar
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 Pumayag si Dwayne na makasal kay Lauren Del Fuego upang mapag-isa ang kompanya ng kanilang pamilya. Sa kanilang pagsasama, naging magkaibigan sila at ginampanan ang mga pangangailangan sa kama. Pero malinaw ang usa...