THIRTY-THREE

862 47 2
                                    

"Argh."

Napahawak ako sa ulo ko. Pumipintig ito sa sobrang sakit. Napatingin din ako sa suot ko dahil nag-iba na ito. For sure, si Lauren ang nagbihis sa akin. Ang bait talaga ng asawa ko.

Wala na akong matandaan sa nangyari kagabi dahil sa kalasingan. I passed out after what happened to us. Basta ang alam ko ay umuwi akong lasing at nangyari sa amin.

The door opened, at medyo napapapikit pa ako nang makita siyang pumasok. "Wife..." tawag ko sa kanya, but to my surprise, ay hindi niya ako pinansin at agad na lumabas.

Muli akong napahawak sa ulo ko. Pakiramdam ko mabibiyak na ito sa sobrang sakit. Hindi naman ganoon karami ang ininom ko pero bakit sobrang sakit. O baka hindi ko lang namalayan dahil inom lang ako nang inom.

The door opened again, and Lauren came in. May dala siyang tray na may lamang pagkain. Umuusok pa ang isang bowl na mukhang sabaw ang laman. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harap ko.

"Oh, humigop ka ng sabaw."

Nilapag niya sa harap ko ang tray saka tumalikod, pero agad ko siyang nahawakan.

"Wife, what's wrong?"

"Sige na, kumain ka na."

"Are you mad at me?" Saka ko lang naalala ang ginawa ko kagabi. Siguro, galit siya dahil pinilit ko siyang may mangyari sa amin. "Is it because of what I did to you last night? I am sorry, hindi ko napigil ang sarili ko nang makita ka."

"It is because of what you did to yourself." May inis niyang sabi.

"Huh?" She faced me nang nakakunot ang noo.

"Ano'ng ha? My God, hubby. You drove home while you're drunk? Paano kung nahilo ka sa daan? Paano kung naaksidente ka? Oh my God, hindi ka na nag-iisip?"

I was shocked. I thought she's mad at me because of what I did to her. Para tuloy akong batang pinapagalitan ng nanay dahil sa hitsura niya ngayon.

"You're so inconsiderate, hubby. Hindi ka nag-iisip."

"Wife..."

"Pwede ka naman tumawag para magpasundo. Pwede ka rin mag-stay na lang muna roon at magpalipas ng kalasingan. Pero umuwi ka talaga nang lasing? Naku!

'Damn!'

I held her hand. Hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot dahil galit siya. Pero isa lang ang sigurado ako, nag-aalala siya sa akin. "Sorry na, wife."

"Tapos uulitin mo na naman?" I shook my head while pouting. Nagpapaawa ako sa kanya para hindi na siya magalit sa akin. "Sure ka?" Tumango ako.

"Promise, wife. I won't do it again."

"I won't do it." She mimicked me. "Sige na. Kumain ka na para mainitan 'yang tiyan mo. May aayusin lang ako sa labas," she said calmly.

"Hindi ka na galit?"

"Hindi na."

"Galit ka pa, eh." May paglalambing kong sabi.

"Hindi na nga."

"Kiss mo nga ako kung hindi na." She rolls her eyes, saka ako hinalikan sa labi, pero hinatak ko siya at niyakap.

"Hubby!"

"Ang sarap mong halikan. At ang cute mo magalit."

"Talaga?"

"Yes."

"Mabuti naman at pinuri mo ang labi ko."

"Ang swerte ni Hendrick kung siya makakatuluyan mo, ang malas naman niya kapag pinakawalan ka niya."

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon