SIXTY-THREE

953 41 5
                                    

=DWAYNE DALE DY=

We gather in the living room. Nandito kami sa mansion para pag-usapan ang kasal nina Daze at Ervic. My sister is four weeks pregnant with his best friend, and he's here to talk to us about the wedding.

"I can't believe this." Dad shook his head in disappointment. "My two daughters got pregnant before getting married."

"I'm sorry, Dad. I did not know this would happen." Daze apologise.

"You didn't know? Bakit, pinilit ka ba?" Dylan asked. "Ano 'yon, nagulat ka na lang na may pumasok na riyan tiyan mo?"

Hindi ko masisisi si Dylan sa reaksyon niya. Baby girl namin si Daze tapos ngayon basta na lang mabubuntis.

"Kuya..." Naiiyak na tawag ni Daze kay Dylan.

"Enough, makakasama sa baby kung mape-pressure ang mommy," saway ni mommy. "Wala na tayong magagawa. Buntis na si Dandelion. All we have to do is make sure that the baby is safe."

"May sasabihin ka ba, Ervic?" Dad asked him.

Tumingin muna siya kay Daze na pinandilatan siya. Tumikhim saka tumingin sa amin. Ngayon pa lang ay parang under na sa kapatid namin ang isang ito, ano pa kaya kapag nakasal na sila.

"Ahmp, gusto ko po sana pakasalan si Daze."

Dylan stared at him. Kita sa mukha ni Ervic ang kaba dahil parang kakainin na nito si Ervic. "Seryoso naman po ako sa kanya at mahal ko po siya."

"That's why we are here, Don Damian. Gusto ko sanang mamanhikan ng maayos para sa kapatid ko." Enrique... Ervic's older brother was here too.

Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nabuntis ni Ervic ang kapatid ko samantalang si Enrique ang gusto niya at laging hinahabol. Patay na patay siya sa isang ito, pero nabuntis siya ng kapatid? Damn!

"But they're young." Dylan interrupted. "Hindi pa handa ang kapatid ko para mag-asawa."

"Ano'ng young, Dylan? Daze was already twenty-four. When I was at her age, I did everything and proved a lot." It was Dane.

"Ikaw, 'yon, Dane. Magkaiba kayo niyang bunso natin. Alam mo naman na walang ibang ginawa 'yan kundi magpasarap sa buhay," Dave said, habang napapailing. "Paano niyan pagsisilbihan ang asawa niya kung sarili nga niya hindi niya mapagsilbihan. Prinsesa iyan. Alam mo naman na sa ating lahat ay iyan ang hindi dumaan ng gawaing bahay at hirap paano magkaroon ng sariling pera," he added.

"Kaya ko naman. Just give me a chance. I have my business, and I am sure I can do better kapag nanganak na ako," Daze complained.

"Madaling sabihin dahil hindi mo pa naranasan maghirap. Ang pag-aasawa hindi iyan laro, responsibilidad ang una mong gagampanan. Hindi puro paganda at pag-iinarte lang," Dylan again interrupted. "At paanong nangyari na nabuntis ka niyang best friend mo, samantalang itong si Enrique ang hinahabol mo?"

"Malamang, kami lagi ang magkasama. Magulat ka kung si Enrique ang nakabuntis sa akin, eh, ayaw nga niyan sa akin."

"Well, I think Daze can decide for herself, Dad. Nasa tamang edad na rin naman siya at may sarili ng negosyo. We see how she was to Ace, King, and Dustle. I can say that she can do better for her own child," I said. "Isa pa, ayan na, oh, nandiyan na sa loob niya ang sarili niyang anak. Kawawa naman kung hindi iyan magkakaroon ng buong pamilya."

"I love you, Kuya Dale."

"Kailangan bago lumaki ang tiyan mo, Dandelion ay magpakasal na kayo." Dad said.

"I suggested next month, Don Damian," Enrique said. "Ayaw rin naman nila ng engrande kaya pwede nang madaliin."

"It is, Daze?" Dane asked. "Ayaw mo ng bongga?"

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon