"Ang cute niya, 'no? Habang tumatagal lalo siyang gumaganda," Lauren said while looking at Avya peacefully sleeping in her crib.
"Kasing ganda mo siya."
"Alam ko. Kaya nga patay na patay ka sa akin, eh."
"Salamat, wife. Salamat at hindi mo 'ko sinukuan. Salamat at nanatili ka sa kabila ng mga naranasan mong sakit sa akin. Kung bumitaw ka noon at iniwan ako, wala sana akong Avya ngayon na magpapasaya sa ating dalawa."
"Ako nga dapat magpasalamat, hubby. Kasi minahal mo ako. Kasi natutunan mo akong mahalin sa kabila ng lahat ng pinagdaanan mo. Tinanggap mo ang pagmamahal ko sa'yo at nagtiwala ka sa akin. Kung sumugal ako, mas sumugal ka, dahil kahit ayaw mo ng magmahal, hindi ka pa rin natakot sumugal sa akin. Sino ba naman ako para mahalin mo, pero tinotoo mo ang relasyon natin."
"Walang lalaking hindi ka kayang mahalin, wife. Walang lalaki ang hindi mahuhulog sa'yo. Gago na lang siguro ang hindi makita ang kabaitan mo. Ang hindi makita kung gaano sila kaswerte kapag ikaw ang minahal nila."
She leaned her head on me while looking at Avya.
"Hubby, ang saya ko. Sobrang saya ko, kasi nalampasan natin ang mga pagsubok natin na magkasama tayo at nagbunga pa ng anak. Alam ko marami pa tayong pagdadaanan, pero sana kapag dumating ang oras na iyon, hubby ay lagi natin balikan ang lahat ng pinagdaanan natin bago tayo magdesisyon."
"Kung dumating ang panibagong pagsubok sa atin, wife, si Avya ang magiging ala-ala na lahat ay nalagpasan natin at siya ang reward. Siya ang magiging buhay na saksi na wala tayong hindi kayang lagpasan."
Nasa ganoon kaming pag-uusap nang tumunog ang doorbell.
"Ako na, wife." Pero hindi pa ako nakakalabas ng kwarto ay pumasok na si Dylan. May mga bitbit siyang napakaraming plastic bag.
"Bagal niyo naman magbukas ng pintuan. Gumawa pa ba kayo ng kasunod?"
"Gago."
"Ano 'yan?" tanong ni Lauren.
"Para sa pamangkin ko. Mga damit at laruan, may mga puzzle, drawing book, at gamit sa school."
"Laruan? Twos week pa lang si Avya, Dylan." Natatawa kong sabi.
"Bakit, hindi ba 'yan lalaki? Habangbuhay bang two weeks 'yang pamangkin ko?"
"Luma na 'yang mga binili mo paglaki ng anak ko."
"Eh, 'di bumili ng bago. Bobo ka?" Saka lumapit sa crib. "Avya, Tito Dylan the handsome is here. Ang guapong tito na pinagmanahan mo. Malamang dahil sa akin ka pinaglihi ng nanay mo."
"Hoy," saway ko sa kanya.
"Bakit? Totoo naman, ah! May problema ka? Sabihin mo lang kung nagseselos ka na sa akin pinaglihi ang anak mo."
"Tss!"
"See, Avya, hindi makapalag ang daddy mo kasi totoo."
"Natutulog ang anak ko huwag mo storbohin."
"Ikaw nga maingay diyan. Hina-hina lang ng boses ko."
"Dylan, do you want something to eat?" tanong ni Lauren sa kanya.
"Nope, thanks. I already ate. Kagagaling ko lang sa hospital para bisitahin si Dane."
I don't know how to react. Hindi pa pala kami nakakabisita kay Dane. Nalungkot tuloy akong bigla dahil nawalan na naman ako pamangkin. Dane lost her five-month-old twin. Nadulas siya nang habulin niya si Ace dahil muntik nang malaglag sa pool. Dalawang lalaki agad ang nawala sa kanila ni Wallace.
The couple was in grief at wala kaming magawa ngayon. I am only wishing them na sana walang mabago sa kanila at hindi nila sisihin si Ace dahil hindi rin ginusto nang bata na mangyari iyon. She's young, and she doesn't know what she was doing.

BINABASA MO ANG
Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest Scar
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 Pumayag si Dwayne na makasal kay Lauren Del Fuego upang mapag-isa ang kompanya ng kanilang pamilya. Sa kanilang pagsasama, naging magkaibigan sila at ginampanan ang mga pangangailangan sa kama. Pero malinaw ang usa...