I decided to go to the bar. I spend my night here rather than see her go. Ayokong umuwi dahil wala rin akong gagawin sa bahay, and for sure this time ay nakaalis na sila at magkasama na.
I hate the smell of smoke. I hate crowded and noisy places. But I have no choice. Kailangan kung aliwin ang sarili ko bago pa ako tuluyang mabaliw kakaisip sa punyetang problemang pinagdaanan ko ngayon. I don't know if I'm deserving of this kind of shit, o baka nga deserve ko at karma sa akin sa mga nagawa ko noon. Damn! Hindi pa ba tapos ang paghihirap ko?
Fuck this fucking life. I thought everything would be OK, but this shit happened. Ang masakit pa, bukod sa hindi ako maalala ni Lauren ay takot na rin siya sa akin. She believed that I killed Carmona, and she's afraid of me.
Napahigpit ang hawak ko sa baso. Iniisip ko kung sino ba talaga ang gumawa noon kay Carmona. Kung may galit ba talaga sa kanya ang gumawa noon o may galit sa akin at nadamay lang siya?
"Sir?"
A bartender handed me a tissue. Nang sundan ko nang tingin ang tinitingnan niya ay nakita ko ang kamay ko na may tumutulong dugo. Inabot ko mula sa kanya ang tissue at saka nilagay sa kamay ko. Nabasag ko pala ang basong hawak ko dahil sa higpit ng pagkuyom ko.
"Give me a bottle of Johnny Walker," I ordered. When the bartender handed me one, I immediately left the bar.
I don't know where to go. All I knew was that I didn't want to go home. Ayokong umuwi dahil baka masunog ko lang ang bahay dahil sa katamikang uuwian ko.
Ang gusto ko lang ay makasama siya, pero ngayon ay natatakot na siya sa akin. So what's the use of that fucking house if Lauren wasn't there with me?
What if I kill myself? I think the best way to do it is to mind these fucking problems. Nakakapagod na. Nakakasawa na. Paulit-ulit na lang akong sinusubok ng pagkakataon. Iyong akala mo OK na, tapos may darating na namang bago.
My feet bring me to the Isa beach. Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Pinark ko ang sasakyan sa gilid at saka tumungo sa dagat. Naroon ang bangka kung saan may yellow line na ang ibig sabihin ay bawal puntahan. Gusto ko sanang pumunta roon, pero biglang may humarang sa akin na lalaki.
"What?" Inis kong tanong sa kanya.
"Pasensya na po, sir, pero bawal po palapitan ang bangka."
"Bakit?"
"Under investigation pa rin po 'yan, sir. May nangyari po kasing krimen diyan."
Tinungga ko ang alak na ininom ko saka sana tumalikod nang may maalala ako. "Taga rito ka ba?""Opo. Tanod po ako rito at toka ko ngayong oras na ito magbantay para walang makalapit sa bangka."
"Ang sabi mo may krimen na nangyari riyan. Noong araw na naganap ang krimen wala ba kayong napansin dito?"
"Tinanong na po kami ng pulis tungkol diyan, at hindi po kami pwedeng magsalita. Maliban na lang kung konektado kayo sa naganap."
"I am the suspect," pag-amin ko. Nakita ko ang gulat sa mukha niya at saka tumingin sa paligid. "I am the suspect, but I am not the killer. Hindi ko siya pinatay dahil hindi ko siya kayang saktan. Ako si Dale, at pangalan naming dalawa ang nakasulat sa bangka niya."
Inayos ng lalaki ang damit niya at saka tumingin sa bangka. "Kilala ko si Maam Carmona. Mabait siya at palakaibigan. Madalas siya rito at lagi niyang pinapalinis ang bangka. Gusto niyang laging nakikita ang Cardale. Kaya nga luminous paint ang pinagamit niya sa pangalan para kahit gabi ay makita ito. Ang sabi niya mahal na mahal niya raw ang pangalan na iyan."
I sighed. I felt the saddened pain. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya mabibigyan ng hustisya. Not because of myself but for her. Kailangan mahanap kung sino ang pumatay sa kanya. Kailangan niyang magdusa.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest Scar
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 Pumayag si Dwayne na makasal kay Lauren Del Fuego upang mapag-isa ang kompanya ng kanilang pamilya. Sa kanilang pagsasama, naging magkaibigan sila at ginampanan ang mga pangangailangan sa kama. Pero malinaw ang usa...