"Ouch, hubby."
Umusog si Lauren at napapikit. After we talked in the kitchen, I brought her here in our room. I carried her like a new bride para hindi na siya maglakad dahil alam kong nahihirapan siya, pero pinipilit niya lang.
"I'm sorry." Binabad ko ang tuwalya sa mainit na tubig saka nilagay sa kaselanan ni Lauren. "Please bear the pain. This is best for soreness."
"Mahapdi ng konti, hubby."
"It's warm water only, wife. May sugat ka panigurado sa loob at nasisingawan ng init kaya nahahapdian ka."
"It will go, right?"
"Yes, it will. A week, I guess. I am sorry for causing you this."
"It's fine; I am OK now. I know you did not mean it, right?"
Tumango ako bilang sagot. "Sorry, again, wife."
Wala na nagsalita sa amin at tinuloy ko na ang paglagay ng hot compress. Nakatingin lang siya sa akin habang ako ay panay ang buntong hininga. Sising-sisi ako sa nangyari at sa ginawa ko. Mabuti na lang at OK na kami at napatawad na niya ako. Akala ko talaga aabutin pa ng ilang araw bago niya kibuin, or worse, ay baka iwanan na niya ako.
"Hubby..."
"Hmp?"
"What happened to you last night?"
Napatigil ako sa pagdampi ng tuwalya at tiningnan siya.
"Parang hindi ikaw ang asawa ko. Parang hindi ikaw si Dwayne, something like you're not on yourself.
"I am sorry."
Wala akong ibang masabi sa kanya kundi paghingi ng tawad. Dahil hindi ko kayang ipaliwanag sa kanya kung ano ang nangyayari sa akin kagabi. Higit sa lahat ay hindi pa napapanahon para sa sabihin sa kanya bakit ako nagkakaganoon.
"Hindi ko sinabi kay Hendrick ang nangyari. I know it's between the two of us. Besides it was a couple issue."
"Magpapagulpi naman ako kung gugulpihin niya ako." Natatawa kong sabi. But I did not mean it. Gago ba ako para magpagulpi sa kanya? He's nothing but a piece of worthless shit na hindi kayang ipaglaban ang nagmamahal sa kanya."Eh, bakit ka naman magpapagulpi? Ikaw ang legal kong asawa, 'di ba?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. "'Di ba dapat wala siyang pakialam sa atin? Ikaw pa nga ang may pakialam sa amin, kasi ikaw ang asawa ko."
"Pero..."
"Tayo ang mag-asawa, kaya wala siyang pakialam sa usaping legal at usaping mag-asawa, 'di ba?"
"Pero magkasintahan kayong dalawa."
"Kabit hubby, kabit ang tamang tawag sa kanya kahit siya ang nauna dahil kasal tayong dalawa."
"At siya ang mahal mo."
"Hmp, pero hindi naman niya kayang sabihin sa lahat kaya OK lang. Buti na rin para walang isyu, lalo na at nag-asawa ako. I will wait for the right time for us. But until that time is still not yet to come, kabit pa rin siya at ikaw pa rin ang legal at higit ang may karapatan sa inyong dalawa."
I guess she has a point. Legally, I have all the rights. Siguro ayaw lang din niya ng gulo o sakit ng ulo, at ganoon din si Hendrick, ayaw niya rin ma-stress pa kaya sumasabay na lang siya sa agos.
"Wife?"
"Hmp?"
"I am sorry again for what happened last night."
"Hubby." Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko, kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "I am a friend. I am here, willing to listen. Nandito ako para sa'yo lagi."
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest Scar
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 Pumayag si Dwayne na makasal kay Lauren Del Fuego upang mapag-isa ang kompanya ng kanilang pamilya. Sa kanilang pagsasama, naging magkaibigan sila at ginampanan ang mga pangangailangan sa kama. Pero malinaw ang usa...