FIFTY-ONE

711 33 6
                                    

Today is Carmona's burial. Nandito lang ako sa loob ng kotse kasama si Dylan. Ang sabi niya ay mas mabuting huwag akong magpakita roon para hindi makaapekto sa imbestagasyon laban sa akin. From here, I heard Tita Laura growl while Lauren hugged her. Kasama rin nila si Hendrick na tahimik lang sa gilid nilang nakatingin sa kabaong na unti-unting nilalamon ng lupa.

Nang makalabas ako sa ospital ay sa mansion ako nanatili. Wala rin kasi akong kasama sa bahay dahil hindi umuuwi si Lauren. Nanatili siya sa punerarya kung saan nakaburol ang katawan ni Carmona. I visited her once at sinakto na walang masyadong tao. I bid goodbye to an old friend; I am hurt seeing her lying in the coffin.

She did not deserve what happened to her. Alam kong may kasalanan siya sa akin o kung kasalanan man 'yon kung ituring. But I forgave her, knowing she has her own reason. A reason that no one can understand but only her.

Malakas ang kaso laban sa akin. Sa testimonya ni tita Laura ay nagpaalam daw sa kanya si Carmona na magkikita kami. Matibay na ebidensya iyon dahil nasa mensahe talaga ito ng cellphone ni tita Laura. Pati ang testimonya ng katulong na may sumundo sa kanya, pero hindi nila kilala. Kahit sabihin nilang hindi nila nakita ang mukha nito ay malinaw naman nilang sinabi na base sa porma nito ay lalaki ang sumundo sa kanya.

Lumabas din sa report ng autopsy na namatay si Carmona between 8:00 PM and 9:00 PM. Ibig sabihin, may posibilidad na noong gusto ko siyang kunin sa tubig ay buhay pa talaga siya at tinuluyan na lang nang nandoon na ako at wala ng malay. Kalkulado ng kriminal ang oras at mga gagawin niya dahil sakto talaga na madiin ako. At isa lang ang ibig sabihin noon...someone wants to put me in jail. Hindi lang basta si Carmona ang pakay niya.

Pero sino? Sino ang may galit sa akin at bakit ako ang naisipan niyang i-frame up?
Nang matapos mailibing si Carmona ay isa-isang nag-alisan ang mga nandoon. Naiwanan sina tita Laura at Lauren kasama si Hendrick. Nang masigurong wala ng mga pakialamera sa paligid ay bumaba ako ng sasakyan.

"Saan ka pupunta?"

"Wala ng pakialamera rito kaya susunduin ko na ang asawa ko."

Hindi na siya bumaba dahil wala naman daw siyang pakialam kay Carmona.

Sabay na napatingin sa akin ang tatlo nang makalapit ako pero walang nagsalita. I came closer to the grave and kneeled. I don't know what to say. Aminado akong kahit nagalit ako sa kanya noon ay nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa kanya ngayon.

I clenched my fist while holding the mud. Isipin ko pa lang ang naging reaksyon niya, at ang pakiramdam niya habang walang laban na pinapatay ay nag-iinit na ang pakiramdam ko. Wala siyang mga paa, kaya anong laban niya sa tarantadong gumawa nito sa kanya. Kung sino man ang may gawa nito ay isa siyang halimaw at walang puso. Kulang ang kamatayan para sa kanya sa ginawa niya. Dapat sa kanya, balatan ng buhay at i-torture hanggang sa kusa siyang magmakaawang patayin. Hindi na siya naawa sa isang imbalidong kagaya ni Carmona.

Pinapangako kong hindi ako titigil hangga't hindi nahuhuli ang gumawa nito sa kanya. I admit that I don't like the idea of Dylan because I don't want to sacrifice someone. Ayokong may magsakripisyo para sa akin kung pwede namang ang kriminal mismo ang makulong. Pero baka mas madiin pa ako kaysa sa chances na mahanap iyon.

At hindi ko hahayaan na magdiwang ang kung sinumang may gawa nito. Hindi ko hahayaan na maging masaya siya. Hindi siya magtatagumpay na ipakulong ako. Nagtagumpay na siyang mapatay si Carmona, pero hindi siya magtatagumpay na ipakulong ako.

"Let's go, Lauren." I heard Hendrick say, kaya napatayo ako.

Hinarap ko sila pareho ni Lauren. "Uuwi ka na ba sa atin?" I asked her, pero tumingin lang siya kay Hendrick. Hindi rin niya sinagot ang tanong ko. "May problema ba, Lauren?" tanong ko ulit pero mas lalo siyang nanahimik na nagpa-init ng ulo ko.

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon