SIXTY-SIX

915 39 1
                                    

Naging maayos ang pagbubuntis ni Lauren. So far ay wala kaming problema, at sa nakikita ko ay mukhang maayos naman siya. Sobrang aktibo niya at nasusunod niya lahat ng bilin sa kanya. Sinasamahan ko rin siyang magpa-check-up para masiguro na OK sila ng baby namin.

Pero may mga kinaiinisan din ako minsan. Dahil bukod sa pink na biko na pinaglilihian niya at pinapagawa niya sa akin na kung anu-ano ay may pinaglilihian din siyang iba. None other than Dylan—ang walanghiya kong kapatid na tuwang-tuwa naman.

There was this time na ginising niya ako nang madaling para tawagan si Dylan at papuntahin. Mabuti na lang at supportive si gago at dumating. Akala ko kung ano ang gagawin niya kay Dylan, 'yon pala ay gusto lang titigan si Dylan. Literal na tinititigan.

Tawang-tawa siya sa hitsura ni Dylan lalo na kapag nagjo-joke si Dylan. Pinapanood niya ng palabas si Dylan para matawa at kapag tumawa ang gago ay natatawa rin siya. One time, mukhang may naalala yata si Dylan na nagpalungkot sa kanya dahil natahimik siya, nang bigla na lang umiyak si Lauren dahil nakakaawa daw ang hitsura ni Dylan.

Putangina, ako ang tatay tapos kapatid ko ang pinaglilihian. I am not jealous. Hindi ako nagseselos bilang lalaki dahil alam kong mahal ako ng asawa ko. Nagseselos ako dahil ako dapat ang pinaglilihian niya, pero OK lang, lamang naman ng isang paligo si gago kaya hindi ako lugi.

I can see how happy my wife was during her pregnancy. Nasa ka-buwanan na ang tiyan niya ngayon, kaya hindi na ganoon katindi ang paglilihi niya. Pero ang mapang-asar kong kapatid ay bigla-bigla pa rin sumusulpot sa bahay para asarin ako.

Nitong buwan na ito ay makikita na namin si baby. A beautiful mini-Lauren. Yes, our firstborn is a girl, and we decided to name her Avyanna—meaning, strong, powerful, and beautiful—and I am so excited to meet her.

Kakagaling lang namin sa Hacienda Locsin dahil binyag ni Ixora—Daze's daughter. I can't believe that my younger sister has a daughter. She's our baby, but now she's married and has her own family. It was like yesterday she knew nothing but enjoying her life, but now she's very hands-on with her baby.

Naging routine ko na ang kausapin si Avyanna araw-araw, gabi-gabi. Minsan naman ay tinutugtugan namin siya ni Lauren ng kalimba gabi-gabi bago matulog. Sa umaga naman ay kinakantahan siya ni Lauren.

The first time I felt her kick was so amazing. I can't say what I felt at that time. All I know is I am so damn happy. Though I experienced it with my nieces and nephews, iba pa rin pala kapag sa sarili ng anak.

On Lauren's part, she's quite strong. Napapansin kong nahihirapan siya, pero nakikita kong hindi siya nagrereklamo. Sa pagtulog ay napapansin kong hirap siya lagi sa posisyon niya, pero wala akong naririnig na kahit ano mula sa kanya. Tinatawanan lang niya ako, kapag ako ang nagsasabing nahihirapan na siya. Sinasabi niyang OK na OK siya.

Honestly, nandito pa rin 'yong kaba ko. Hindi ko lang pinapahalata kay Lauren, pero simula nang ma-confirmed namin na buntis siya ay nagkaroon na ako ng anxiety. Hindi ako nakakapag-focus sa trabaho dahil laging siya ang iniisip ko. Kapag nakikita ko siyang napapangiwi ay natataranta agad ako. At habang palapit nang palapit ang panganganak niya ay hindi ko maiwasang hindi kabahan.

I have this fear na paano kung hindi niya kayanin ang panganganak. Paano kung may mangyari sa kanya? Paano kung magaya siya kay Lindsay o kaya sa asawa ng kaibigan ni Dane na na-coma after manganak ng kambal? Paano kung...

"Hubby...?"

"Huh...?"

"Kanina pa kita tinatawag, pero hindi mo ako pinapansin. May problema ka ba?"

"Huh? Wala naman. May masakit ba sa'yo? May kailangan ka ba? Gusto mo na ba magpa-ospital?" Taranta kong tanong at mabilis na kinabahan.

"Hubby..." Hinawakan niya ang kamay ko, kaya napatitig ako sa kanya. "Hubby, simula nang malaman mo na buntis ako ay nag-iba ka na. May times na nakikita kitang nakatulala, o kaya naman ay hindi mapakali. Kahit sabihin mo sa akin na OK ka lang ay napapansin ko na hindi ka OK. Hindi ka ba masaya sa pagdating ni Avyanna?"

"No, wife. Masaya ako, syempre."

"Eh, bakit lagi kang sad?"

"Wife, I am not sad." I sighed, saka hinawakan ang kamay niya. "I'm afraid."

"Afraid of what?"

"That you will leave me. I can't explain it to you but I have this fear na baka..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

"That maybe what happened to her might happen to me?"

Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "What do you mean?"

"Your first loved, named Lindsay—the mother of your firstborn Dale junior."

"How did..."

"Sorry if I lied, hubby. I knew it, matagal na, but I did not tell you. Hinintay ko lang na mag-confess ka, pero mukhang hindi mo kayang sabihin sa akin, and worst is dala-dala mo pa rin 'yong guilt and fear na baka malaman ko."

"Wife..."

"Dylan told me, and I met her also. She's nice, and she told me to take care of you. She forgave you, and she wants happiness for you too."

"You met her?"

"Hmp. Alam ko ang lahat ng nangyari sa inyo, hubby, at tanggap kita ng buong-buo."

"Hindi ka ba nandidiri sa akin dahil isa akong rapist? Hindi ka ba natatakot sa pwedeng mangyari sa'yo?"

She shook her head and smiled at me. "Hindi ako nandidiri sa'yo. Never, hubby, I experienced how beast you are in bed, pero kahit kailan hindi ako nandiri sa'yo. Kahit nalaman ko pa ang ginawa mo sa unang babaeng mahal mo; hindi pa rin ako nandidiri sa'yo. Kasi alam kong part iyon ng nakaraan na pinagsisihan mo. Fear? No. Kasi magkaiba kami ng pinagdaanan at sitwasyon. Sinadya niya ang nangyari sa baby niyo dahil sa galit niya sa'yo. While I am ready and happy to have our daughter. She wanted to end her life to escape from you. While me, I wanted to have you eternally."

"Wife."

My tears shed, and she wiped it. After all these years, my wife knew my past, my secret, but she chose to love me, stay with me, and not force me to speak. Inintindi niya ako kahit hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Palihim niya akong inunawa. She's selfless when it comes to me.

"Hubby, mahal kita, mahal na mahal. I promise you, na kahit anong mangyari ay hindi kita iiwan. Babalik kami ng anak mo at makakasama kami habangbuhay."

"I'm sorry, wife. Natatakot lang ako. Marami ng nawala sa akin, at ayokong pati ikaw iwanan ako."

"Hindi ako mawawala, trust me, hubby. Never kitang iiwan. I am stronger than you think. So please, please, remove your fear. Trust me, OK?"

I nodded and hugged her. She hugged me back, kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
Somehow, nakagaan sa loob ko ang mga sinabi niya. Pero hindi pa rin tuluyan nawawala ang takot ko. Hangga't hindi pa siya nanganganak at hindi ko makita na safe sila ay hindi ako matatahimik. Pero panghahawakan ko ang sinabi niyang hindi niya iiwan. Panghahawakan ko ang sinabi niyang kahit anong mangyari ay lalaban siya.

"I love you, wife. I love you so much."

"I love you too, hubby. Lagi ako sa tabi mo kahit anong mangyari."

Dy Siblings 3: Dwayne's Deepest ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon